Mark Bautista says Rufa Mae Quinto was never his girlfriend


Mark Bautista (left) revealed in an interview that he had an affair with a Kapuso star that lasted for three months. Some showbiz insiders believe that the woman is Rufa Mae Quinto, but both Mark and Rufa Mae denied this.



Pinag-react pareho ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Rufa Mae Quinto at Mark Bautista sa isyung ang sexy comedienne ang tinutukoy ng singer-actor na Kapuso star na lihim niyang nakarelasyon for three months.

Hindi nagbigay ng clue si Mark nang una niyang aminin ang pagkakaroon ng girlfriend from GMA-7 kaya kanya-kanyang pagre-research ang press kung sino ang tinutukoy niya. May nakapag-research na si Rufa Mae diumano ang tinutukoy ni Mark na naging girlfriend niya at nangyari ito bago naging boyfriend ni Rufa Mae si Erik Santos.

Nang makita ng PEP si Mark sa birthday party ni Aster Amoyo, na ginawa sa bahay ni Ricky Reyes noong May 10, agad namin siyang tinanong kung totoo ngang si Rufa Mae ang kanyang tinutukoy na naging girlfriend niya na taga-GMA-7.



"Sino ang nagsulat noon? Hindi totoo iyon, hindi ko naging girlfriend si Rufa Mae. Sobrang close lang kami at alam ito ni Erik. Totoong pumupunta ako sa house niya before pa at walang ibig sabihin iyon. Ano ba ‘yan? Baka magalit si Erik niyan. Iti-text ko nga siya para ipaalam na may ganyang tsismis," sunud-sunod na sabi ni Mark.



Kinuha rin ng PEP ang reaction ni Rufa Mae sa pamamagitan ng text message at sa tulong ni Mary Ann Sta. Ana ng Backroom, Inc.



Sagot ni Rufa Mae in text lingo: "Kaibigan ko Mark B kse bf ko Erik Santos na frend nya. Kaya we hang out all the time and Viva kami pareho. Matagal ko frend Mark wala pa Erik sa lyf ko."



Sa parehong pagdi-deny nina Mark at Rufa Mae sa sinasabing lihim na naging relasyon nila, umaasa ang dalawa na hindi na lalaki ang isyu. Nahihiya si Mark kay Erik at ayaw rin niyang maudlot ang gumaganda nilang relasyon ni Rizza Santos, last year's Miss Earth-Canada na kanyang nililigawan ngayon.



Masayang ibinalita ni Mark sa PEP na darating sa bansa si Rizza sa July at baka dito muna ito magi-stay. Susuportahan daw niya ang dalaga pag ginusto nitong pumasok sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sinagot na ba siya ni Rizza?



"Hindi pa, pero masaya kaming dalawa," sabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN