Michelle Madrigal says she's not bitter about break-up with Victor Neri


"Kung happy na si Victor, e, di happy na ako. Okay ako na happy na siya. At least, nahanap na niya yung bagong pagmamahal, di ba?" says Michelle Madrigal about her ex-boyfriend, Victor Neri.



Blooming si Michelle Madrigal nang dumating siya sa story conference ng bagong Sine Serye ng ABS-CBN, ang remake ng 1993 box-office hit movie nina Aga Muhlach at Aiko Melendez na May Minamahal. This time, ang ex-lovers na sina Anne Curtis at Oyo Sotto ang gaganap sa respective roles noon nina Aiko at Aga sa Joey Reyes film.



Kapatid ni Oyo ang role ni Michelle sa May Minamahal, na unang ginampanan ni Nikka Valencia sa pelikula. Kasama rin sa cast ng TV version sina Baron Geisler, Al Tantay, Dimples Romana, at Jaclyn Jose. Mula ito sa direksiyon ni Gilbert Perez.



"Ako ‘yong kapatid niya na rebelde. Kumbaga, kung si Oyo ‘yong straight, ako ‘yong kabaligtaran. Kung kanan ang pamilya, kaliwa ako. Kasi sobrang naging spoiled brat ako sa Mommy ko and then mayaman kami. So, parang ‘yong family namin, medyo naghihirap, na hindi ko matanggap," kuwento ni Michelle.



Happy si Michelle dahil may bago siyang show sa ABS-CBN at magiging busy na siya ulit, samantalang pahinga naman daw muna ang kanyang puso. Pero ano itong nabalitaan namin na may bago raw idine-date ngayon si Michelle?

"Huh? Wala rin. May mga nagpaparamdam, pero hindi pa ano... Okay lang ako na single," sabi niya.



Kumusta naman sila ng dati niyang boyfriend na si Victor Neri? Nagkausap o nagkita na ba sila pagkatapos ng kanilang break-up?



"Wala, okay lang," sagot ni Michelle. "Nakita ko naman ulit si Vic, e. Somewhere nakita ko lang siya. Nasa isang place kami noon. Tapos okay naman, may hi-hello."



Ayon pa kay Michelle, naghiwalay naman daw sila nang maayos ni Victor. In short, may closure sila. Okay lang din daw sa kanya kung girlfriend na ngayon ni Victor si Sunshine Dizon.



"Wala naman na kami. So walang problema or kahit na ano," sabi niya.



Totoo ba na nag-comment siya na ipinagpalit siya ni Victor sa isang "Bakekang" lang? Si Sunshine kasi ang gumanap bilang title character sa soap opera na Bakekang ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Huh? Kailan ko sinabi ‘yon? Wala!" tanggi niya.

Dagdag pa niya, "Wala po akong sinasabing ganun, wala po talaga. I mean, kasi si Ate Shine naman, pag nakikita ko siya nagha-hi, hello naman kami. Kumbaga, hindi ko lang siya ganun ka-close kasi hindi ko pa siya nakakatrabaho. Pero before pa naman 'pag nagkikita kami sa labas, okay naman kami.

"Hindi dapat gawan ng isyu kasi iyong sa amin ni Victor, past na ‘yon, e. Naging sila naman [ni Sunshine] hiwalay na kami. So walang dapat gawan ng isyu na pag-awayin kami."



Totoo ba na napikon siya dahil nakapag-move on na si Victor?



"Hindi, kasi kanya-kanya na kami. Kung sa kanya mabilis siyang nakapag-move on, e, di mas okay, di ba? Kumbaga sa akin, nakapag-move on na rin naman ako. It's just that choice ko na hindi na muna ako magkaroon ng boyfriend. Kumbaga, magpo-focus muna ako sa work. So, siya rin, kung na-in love siya, so wala talaga. Hindi ko naman mapipigilan na nagkagusto agad siya sa iba. Nakapag-move on siya," paliwanag niya.

Bitter ba siya na iniwan siya ni Victor?

"Ay, hindi po ako bitter!" mabilis niyang sabi. "Kumbaga, happy ako. Kung happy na si Victor, e, di happy na ako. Okay ako na happy na siya. At least, nahanap na niya yung bagong pagmamahal, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN