Scheduling problems of JC de Vera and Karel Marquez now fixed


Karel Marquez (left) and JC de Vera (right) are two of the busiest young stars today. They are now working together in two projects—GMA-7's Pati Ba Pintig ng Puso? and Regal Entertainment's Tiyanak.



Naayos na ang scheduling problem nina JC de Vera at Karel Marquez na parehong involved sa soap opera ng GMA-7 na Pati Ba Pintig Ng Puso? at sa pelikulang Tiyanak ng Regal Entertainment.

Magkasabay kasi na na-offer kina JC at Karel ang dalawang projects kung kaya't noong una ay naagapan naman ng mga manager ng dalawa ang scheduling nila. Monday, Wednesday, and Friday ang shooting schedule ng Tiyanak, sa direction ni Mark Reyes. Originally, on-call pa lang daw ng Monday and Wednesday ang dalawa sa Pati Ba Pintig ng Puso? naman ni Direk Gil Tejada.

Nang naayos na ang schedule ng Tiyanak, saka naman na-finalize ang Pati Ba Pintig ng Puso? with a Monday and Wednesday schedule din. Dito nagkaproblema ang Regal Films na kinailangang mag-pack-up ng two successive shooting days dahil ito naman ang naging first two taping days ng Pati Ba Pintig ng Puso?.

"Magkasabay naman po kasing nai-offer ang dalawang projects sa amin," sabi ni JC sa press con ng Sine Novela ng GMA-7kagabi, May 15. "At that time, wala pang naka-set na taping days for Pati Ba. Nang nag-finalize na sila, naging Monday and Wednesday na para sa Tiyanak na.

"Ang Pati Ba na lang ang nag-adjust dahil patapos na rin naman po ang shooting ng Tiyanak, at matagal pa naman ang itatakbo ng Pati Ba. Mahirap po kasi sa Tiyanak. Dapat magkakasama kami palagi nina Mark [Herras] and Jennylyn [Mercado]. Kapag wala ang isa, hindi makakapag-shoot."

Ganito rin ang nangyari sa schedule ni Karel, who plays Agatha sa Pati Ba Pintig ng Puso?.

"Nang nalaman po ng Regal na kasama rin ako sa Pati Ba, inayos na lang din po ang schedule ko. Kapag may shooting si JC, doon na lang din ako ie-schedule. Nang nagkagulo nga po initially, ang sabi, ang character ko na lang muna ang papatayin sa movie, hindi ‘yong kay Jill [Yulo], na dapat na unang mamamatay. Sabi ko kay Direk Gil, sayang naman, baka magawan ng paraan ang Pati Ba. Mabuti na lang po nagawan nga," kuwento ni Karel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati Ba Pintig Ng Puso? starts airing this Monday, May 21, sa GMA-7 after Sinasamba Kita. Ang Tiyanak ay naka-schedule naman for a late June release.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN