"Asian Treasures" extended for one week


Angel Locsin and Robin Padilla with Glaiza de Castro and Marky Cielo in a scene from Asian Treasures. The GMA-7 primetime action-adventure series is supposed to end on June 15, but was given another one-week extension.



Extended ng isang linggo ang Asian Treasures kaya hindi matutuloy ang pagwawakas nito sa June 15.



Na-cancel na rin ang pagpunta ng cast sa Macau, China sa May 21. Instead, sa Beijing, China na lamang pupunta ang lead stars ng Asian Treasures at doon kukunan ang mga importanteng eksena.



Sa original plan, kasama ang Beijing at Mongolia sa mga bansa na pupuntahan ng cast ng Asian Treasures. Nagkaroon ng pagbabago dahil nagdesisyon ang production staff na mag-shooting na lang sa Macau at Beijing.



Ang latest development, kukunan sa Beijing ang lahat ng eksena na kailangan dahil gahol na rin sa oras ang staff ng Asian Treasures. Araw-araw ang kanilang taping at malalaking eksena ang kinukunan.



For the meantime, sina Joel Lamangan at Mac Alejandre ang direktor ng Asian Treasures dahil kasalukuyang nasa Amerika si Eric Quizon.



Lead actors ng pinakamagastos na TV series ng GMA-7 sina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin, at Diana Zubiri.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN