Piolo Pascual says Regine Velasquez is a good kisser


"She's a professional. Masyado nga kaming nag-enjoy sa kissing scenes namin kaya naparami!" says Piolo Pascual about his kissing scenes with Regine Velasquez.



Two hours late sina Regine Velasquez at Piolo Pascual sa launching ng soundtrack album ng first movie nila together, ang Paano Kita Iibigin?, na ginanap sa The Block ng SM North Edsa kagabi, May 16. Pero hindi naman nainip ang kanilang mga fans na matiyagang naghintay sa kanila.

Nanggaling pa raw kasi sina Regine at Piolo sa Majayjay, Laguna, para sa last shooting day ng pelikula nila for Star Cinema and Viva Films, na idinirek ni Joyce Bernal. Past four in the afternoon na raw sila natapos mag-shoot. Nag-freshen up lang muna si Regine sa bahay ng sister niya bago pumunta sa The Block.



Mismong si Regine ang nagboluntaryo na i-produce ang soundtrack album ng much-awaited tandem nila ni Piolo sa big screen.



Dagdag ni Piolo, "Si Regine din ang naging vocal coach ko while doing the recording. Minsan pa nga mas nauuna pa siyang dumating sa akin sa recording studio. And the whole time na nagre-record ako, nandun si Regine to help me out pati sa pag-a-adlib sa pagkanta."

Ang Paano Kita Iibigin? ang kauna-unahang soundtrack album ni Piolo after more than a decade ng kanyang showbiz career.



"It's always been my dream na magkaroon ng soundtrack album ang movie ko, pero ngayon lang nangyari. Sa past movies ko, ako lang ‘yong kumakanta ng theme song," sabi ni Piolo.

Tinanong si Piolo kung dumating din ba si Ogie Alcasid, na siyang nga-compose ng theme song, habang nagre-recording siya. Pero si Regine na mismo ang sumagot sa tanong.



"Actually, pinapunta ko si Ogie sa recording kasi siya naman ‘yong composer ng song," sabi ni Regine.

Excited ding sinabi ni Piolo that night na after a month or two aymaglalabas ulit siya ng kanyang solo album under Star Records.

Ibinalitarin ni Piolo na magsisimula na ang pagge-guest niya sa mga programa ngGMA-7 para i-promote ang pelikula at soundtrack nila ni Regine. Nagingposible ito dahil nakiusap si Regine sa ABS-CBN na payagangmakapag-promote si Piolo sa GMA-7, at siya naman sa Kapamilya Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"This weekend, magti-taping ako para sa Pinoy Pop Superstar. Maggi-guest din ako nang live sa SIS, sa Master Showman, at sa Showbiz Central. Start na rin kami ng dubbing for the movie," sabi ng matinee idol.



With regards sa isyu ng pagkagat ni Regine sa labi ni Piolo, tila na-conscious ang Asia's Songbird. Sinundan pa ito ng tanong kay Piolo kung good kisser ba si Regine.



"Of course!" nakangiting sagot ni Piolo. "She's a professional. Masyado nga kaming nag-enjoy sa kissing scenes namin kaya naparami!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN