PBB evictee Dionne Monsanto: "I admit I was wrong."


"Nalungkot po ako sa ganoong perception nila, kaya po gusto konamang i-redeem ang sarili ko sa kanila... Perohindi ko po sila aawayin, sasabihin ko lang kung ano ang napi-feel ko.Hindi po ako nagki-keep ng grudges. When I say okay na po, okay na potalaga," says Pinoy Big Brother Season 2evictee Dionne Monsanto about the negative comments of her ex-housemates.



Alam ng fifth Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 evictee na si Dionne Monsanto, 21, ang mga negative comments ng mga kapwa housemates niya at ng mga televiewers sa pagiging open at pagiging totoo niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Nalungkot din po ako nang lumabas ako. Pero natuwa rin ako nang paglabas ko, ang una kong nakita ay ang sister ko na miss na miss ko na po talaga. At lahat nga po ng mga negative comments ay nalaman ko sa pagkukuwento nila sa akin," sabi ni Dionne sa press con na ibinigay ng ABS-CBN sa kanila ng isa pang evictee na si Gie Javier sa 9501 restaurant kahapon, May 17.

Nagsimula ang negative comments kay Dionne nang maging too close for comfort siya sa second evictee na si Zeke Dimaculangan at pagkatapos ay kay Mickey Perz. Hindi nagustuhan ng mga viewers at ng kapwa housemates ni Dionne ang mga actions niya na naging dahilan ng lagi niyang pagkaka-nominate for eviction. May time pa nga na sinabi ni Mickey na hindi niya type si Dionne nang magpakita ang dalaga ng motibo sa kanya.

"Every time nga po na na-nominate ako, ini-expect ko nang ako ang lalabas," sabi ni Dionne. "Para po bang wala akong ginawang mabuti para sa kanila. Siguro po ‘yong feelings and emotions ay nagawa ko for the first time, and I admit I was wrong. Kaya lang, emotions seen on TV were magnified."

Tinanggap naman ni Dionne ang komento ng entertainment press na hindi pa ready ang Pinoy viewers sa mga ganoong napapanood sa TV, na ang babae ang nagpapakita ng motibo sa lalake.

Bago pumasok sa Bahay ni Kuya si Dionne ay may naiwan siyang boyfriend. Hindi ba ito nagalit sa kanya nang mapanood nito ang mga nangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya?

"We're very okay po, he's now in Leyte," pagbabalita niya. "Nagkausap na po kami sa phone dahil hindi pa ako nakakauwi sa amin sa Cebu. Pero nag-sorry na po ako sa kanya kung anuman ang napanood niya o ang balitang nakarating sa kanya. Pero sabi po niya, ‘I'm still here for you.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-usap naman po kami bago ako pumasok sa Bahay ni Kuya at sabi niya sa akin, ‘Kung anuman ang mangyayari sa iyo sa loob ng bahay, kung magkakagusto ka man, narito lang ako. Maghihintay ako sa iyo.'"

Dawn Mantilla ang pangalan ng boyfriend ni Dionne at one year na silang mag-on. He's also 21 years old, Geodetic Engineering student from the University of Southern Philippines sa Cebu. Tulad ni Dionne, Dawn also models on the side.

Hindi naman bago kay Dionne ang showbiz dahil at 16, nag-aartista na siya sa ABS-CBN shows sa Cebu. As early as four years old, nag-join na siya ng mga beauty pageants doon.

Ngayong nakalabas na siya, kung may offer daw sa kanya na show, tatanggapin niya. Dream niyang makatambal sina Sam Milby at John Lloyd Cruz.

Nang lumabas ng PBB si Dionne, nagbalik-bahay naman ang four evictees na sina Zeke, Jasmin Engracia, Kian Kazemi, at Wendy Valdez.

Kung pababalikin ba si Dionne sa loob ng Bahay ni Kiya ay papayag siya at iku-confront ba niya ang kapwa housemates na iniwanan niya?

"Opo, kung pababalikin ako, I will," sagot niya. "Nalungkot po ako sa ganoong perception nila, kaya po gusto ko namang i-redeem ang sarili ko sa kanila. As to Mickey, I respect his remarks, but I only admire his talents, hanga ako sa pagiging good dancer niya. He was fine naman, pero iba pala ang tingin ng viewers.

"Pero hindi ko po sila aawayin, sasabihin ko lang kung ano ang napi-feel ko. Hindi po ako nagki-keep ng grudges. When I say okay na po, okay na po talaga."

May gusto ba siyang sabihin sa mga taong negatibo ang tingin sa kanya?

"Hindi po ako ang nagsabi nito, kundi si Kian. Noong hindi pa siya nae-evict, sabi niya, ‘Dionne is a little girl with a big heart.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang pipiliin niyang maging Top 4 housemates para sa Big Night ng PBB na gaganapin sa June 30 sa Araneta Coliseum?

"Gusto ko po sina Bea [Saw], Gee-Ann [Abrahan], Mickey, at Kian. Pero ang gusto ko pong manalo, si Bea," sabi ni Dionne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN