Kuya Cesar signs off


Veteran broadcaster Kuya Cesar, Cesar Nucum in real life, passed away yesterday, May 17, because of a heart attack. At the time of his death, he was the host of an early morning program in dzMM.



Pumanaw na ang tanyag na broadcaster na si Kuya Cesar kagabi, May 17.

Ayon sa ulat ng "Unang Balita," ang morning news segment ng Unang Hirit sa GMA-7, idineklarang "dead on arrival" ng Capitol Medical Center si Cesar Nucum, tunay na pangalan ni Kuya Cesar, nang dumating ito lulan ng isang taxi.

Nagpahatid diumano ang batikang brodkaster sa taxi nang makaramdam ng kahirapan sa paghinga. Dagdag pa ng pamilya ni Kuya Cesar, inatake siya sa puso at namatay habang patungo sa ospital.

Kilala si Kuya Cesar sa kanyang mabagal na pananalita sa kanyang programa sa radyo, ang Dear Kuya Cesar. Siya ay binawian ng buhay sa edad ng 69.

May early morning program si Kuya Cesar sa dzMM, ang radio station ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN