Jolina Magdangal's boyfriend loses in his congressional bid


"Hindi pa sila siguro handa for a leader like Bebong," says Jolina Magdangal about the loss of her boyfriend, Bebong Muñoz, for the congressional seat in the 2nd district of Caloocan City.



Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jolina Magdangal ang kinahinatnan ng kandidatura ng kanyang boyfriend na si Bebong Muñoz nitong nakaraang eleksiyon. Malungkot na ibinalita ni Jolina na hindi pinalad si Bebong na manalo bilang congressman sa 2nd district ng Caloocan City.



Kahit na medyo dismayado si Jolina, alam naman niyang ginawa ni Bebong ang lahat para magbigay ng pagbabago sa naturang lungsod.



"From the start naman, walang big expectations," pauna ni Jolina. "But of course, nandoon ‘yong hope na sana ay open for changes ang mga taga-Caloocan. Na ready na sila na papasukin sa buhay nila ang isang fresh politician na makakatulong pa sa ikauunlad ng Caloocan.



"Pero siguro nga, hindi pa handa ang nakakarami sa gusto ng ilan. Hindi pa siguro time for Bebong to be that kind of politician. Okay lang naman kay Bebong because he tried at nakita ko ang efforts niya sa parte na iyon.



"Sinabi ko naman sa kanya na wala siyang dapat panghinayangan because he did what he was meant to do. Sinuportahan ko na rin siya at nakita naman ng mga taga-Caloocan na seryoso kami sa paghahatid ng pagbabago. Pero ‘yon na nga, hindi pa sila siguro handa for a leader like Bebong," pahayag ng young actress-singer-TV host.



Sinabi rin Jolina na plano nilang magbakasyon muna ni Bebong pagkatapos ng ilang buwan na pagpapagod para sa election period.



"May plano na kami but together with our friends. Gusto lang naming mag-unwind at ibalik ang dating oras namin sa isa't isa. Ngayon nga lang kami talaga makakapagpahinga nang mahaba after ng matinding tension sa election. Hindi pa namin napag-uusapan kung saan, pero kapag napansin ninyong nawala ako saglit sa Unang Hirit, ibig sabihin ay natuloy ang bakasyon namin," sabi niya.



Nabanggit noon ni Bebong na gusto nitong pasukin ang mundo ng news and public affairs. May balak itong maging newscaster or news reporter balang araw. Itutuloy ba ng boyfriend ni Jolina ang balak niyang ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nabanggit na niya ‘yan. Bakit naman hindi puwede? Bagay naman sa kanya, e. Minsan nga, nagkukunwari kaming may sariling show. Ako ‘yong bubbly at siya ‘yong serious. Para kaming sina Tintin Bersola at Julius Babao!" tawa ni Jolina.



"Pero kung serious nga si Bebong to enter the news and public affairs department, susuportahan ko siya diyan. Not in the sense na ako ang magpapasok sa kanya kasi alam ko namang kaya niyang gawin ‘yan by himself lang. Basta, I'm with him all the way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN