A new and bigger Aleck Bovick


"Sa totoo lang, si Carlo ang nagpataba sa akin! Gusto niya ay kain ako nang kain... Siyempre, noong una, nanibago ako kasi nasanay na akong magsuot ng mga sexy dresses at mga bikinis. Minsan nga ay wala pa akong suot, di ba? Pero ngayon, hindi na puwede kasi wala nang kakasya sa akin!" says former sexy star Aleck Bovick.



Hindi na nahihiyang i-display ng dating sexy star na si Aleck Bovick ang kanyang katawan na malayung-malayo sa dating sexy body niya. Sa naganap na premiere night ng Hollywood film na Pirates of the Caribbean: At World's End sa Robinson's Galleria last May 22 ay kasama pa ni Aleck ang kanyang boyfriend na si Carlo Maceda.



Marami ang hindi nakakilala ngayon ay Aleck dahil nga dumoble ang katawan nito after niyang manganak last January 2007. Ayon kay Aleck ay happy naman siya kahit na tumaba siya. Ang importante raw ay unti-unti siyang nagiging mahusay na ina sa baby boy nila ni Carlo na si Leonne Lancelot.



"Sa totoo lang, si Carlo ang nagpataba sa akin!" malakas na tawa ni Aleck. "Gusto niya ay kain ako nang kain. Binubusog niya talaga ako kasi gusto raw niya ay healthy ang mga minamahal niya.



"Siyempre, noong una, nanibago ako kasi nasanay na akong magsuot ng mga sexy dresses at mga bikinis. Minsan nga ay wala pa akong suot, di ba? Pero ngayon, hindi na puwede kasi wala nang kakasya sa akin!



"Pero happy ako. Nakikita naman sa face ko na masaya ako sa buhay ko ngayon kesa noon. Ngayon kasi may anak na ako tapos nandiyan pa si Carlo para bantayan kaming mag-ina. Parang almost perfect na ito for me. Sana wala na itong katapusan."



Ikinuwento rin ni Aleck na babalik na siya sa pag-aaral. Gusto raw kasi ni Carlo ay makatapos siya ng college para naman daw may ipagmalaki ito balang-araw. Si Carlo kasi ay college graduate, nag-take up ng Master's degree, at naging Math professor pa bago naging modelo at nag-artista.



Wala naman daw problema kay Aleck kung bumalik siya sa school dahil gusto rin daw niyang makatapos ng pag-aaral.



"Napag-usapan na namin ni Carlo ‘yan at gusto ko rin naman," sabi ni Aleck. "Si Carlo kasi, wala siyang movies or TV show ngayon kaya tutok siya sa negosyo niya. Sabi niya sa akin na one day, ako ang magma-manage ng mga business niya kaya gusto niya prepared na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nakakatuwa because gusto talaga ni Carlo na matuto ako sa lahat ng bagay-bagay. Hindi siya maramot na tao. He wants to share so many things sa akin. Kaya siguro nagwu-work ang relasyon namin kasi nga nakikinig ako sa kanya. Siya rin naman kapag may gusto akong sabihin, nakikinig din siya."



Wala na raw balak bumalik sa pagpapa-sexy si Aleck dahil tinapos na raw niya ang chapter na iyon ng buhay niya. Kuntento na raw siya sa piling ni Carlo at sa pagiging ina.



"Papayagan naman daw niya [Carlo] akong mag-showbiz ulit, pero hindi na puwede magpa-sexy. Okay lang ‘yon kasi ayoko na rin. Tapos na ‘yon. I've moved on to a different life. Mas gusto ko ang buhay ko ngayon. Kaya puwede ko nang masabi na natagpuan ko na ang lalakeng karapat-dapat sa akin at si Carlo Maceda ‘yon," pahayag ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN