Valerie Concepcion accidentally hit by a car in a taping


Young actress Valerie Concepcion was accidentally hit by a car during the taping of GMA-7's Sinasamba Kita. In that particular scene, Valerie was supposed to be hit by a car, but the stuntman miscalculated and the young actress was really hit. The young actress sustained a head injury and was immedietely rushed to the hospital.



Tinawagan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng associate producer ng Sinasamba Kita—ang Sine Novela ng GMA 7—na si Kaye Cadsawan at nangangatal na ibinalita nito sa amin na sa taping nila kanina, May 25, sa FTI, Taguig, ay naaksidente ang isa sa mga bida ritong si Valerie Concepcion.

Ayon sa kuwento ni Kaye, may eksenang kunwari ay masasagasaan ng kotse si Valerie. Of course, supposedly ay hindi dapat tatamaan ng sasakyan si Valerie. Pero hindi natantiya ng stunt driver ang pagpreno kaya nahagip ang young actress at tinamaan ng sasakyan.

Sa likod nahagip si Valerie at bumagsak ito sa kalsada at nabagok ang ulo. Hindi naman nag-bleed at conscious naman si Valerie, pero iyak nang iyak sa matinding sakit.

Hindi rin agad ginalaw or binuhat si Valerie dahil ayaw nitong magpagalaw. Minabuti ng mga tao sa set na hintayin ang ambulansiya bago galawin ang young actress.

Isinugod agad sa Asian Hospital sa Alabang si Valerie at hinihintay pa sa kasalukuyan kung ano ang findings ng mga doktor pagkatapos ng necessary medical tests na ginawa sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN