The future of CEBALO Band hangs in the balance


Pinoy Dream Academy graduates (from left) Eman Abatayo, Panky Trinidad, Davey Langit, and Yvan Lambatan compose the singing group CEBALO Band. Although they have yet to release their first album, the group is already facing problems.



This Sunday, May 27, ay makukumpleto muli ang Top 6 scholars ng Pinoy Dream Academy (PDA) na sina Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Ronnie Liang, Panky Trinidad, Irish Fullerton, at Chad Peralta na magku-concert sa Dagupan. This could be the end of the sanctions for the other three PDA scholars dahil nauna nang "napatawad" si Jay-R nang bumalik na siya sa ASAP ‘07 last Sunday, May 20. Pero wala pa ring katiyakan ito.

Sabi ng nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), they have yet to speak with Irish na nasa Pilipinas pa rin. Si Chad naman, visible nang muli dahil may mga sarili na rin siyang gig, like the one in Virgin Cafe this weekend. Dagdag pa ng aming kausap, willing naman kasi si Chad to promote his debut album as this is part of his contract. Ang pagpasok totally sa showbiz lang ang inaayawan niya.

Ang may isa pang kalabuan ay si Panky.

Ire-release na ang debut album ng CEBALO (Cebu-Baguio-Iloilo) Band that was originally composed of Panky from Cebu, Yvan Lambatan and Davey Langit of Baguio, and Eman Abatayo of Iloilo. Hindi alam ng tatlong lalaking miyembro ng nasabing band, na nabuo sa loob ng PDA dormitory, kung tuluyan na bang tatanggalin si Panky sa banda o hindi.

The band behind the new version of Pinoy Big Brother's theme song "Pinoy Ako," may labing-dalawang cuts daw ang album nila na iri-release ng Dream Records. Dalawa rito, solo songs ni Panky with the three boys doing the back-up and second voice. Sa natitirang sampung kanta, lima ang kay Eman, isa ang kay Davey, at ang iba ay kay Yvan. In all songs, may participation din si Panky either as back-up or second voice.

Kung hindi na babalik nang tuluyan si Panky, puwede namang matanggal ang dalawang kanta niya sa album at pati na rin sa ibang kanta. Layered naman bawat boses kung kaya't puwedeng hindi na lang i-include ang kay Panky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang problema ay ang pangalan ng banda nila. Kung matatanggal si Panky, wala nang CE sa CEBALO dahil si Panky lang ang taga-Cebu. It was mentioned noon na kinu-consider na ipalit si Iya Gines kay Panky ngunit hindi naman taga-Cebu ang una kundi taga-Pangasinan. Si Iya ang ex-girlfriend ni Jay-R.

Umaasa pa rin naman sina Davey, Yvan, at Eman na maayos na rin ang problema ni Panky at makabalik siya sa banda para less problems.

The fact na lifted na rin ang mga sanctions nila sa muling pagsasama-sama nga ng Top 6 this Sunday, baka naman daw puwede na ring maibalik si Panky sa CEBALO.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN