Father and son Rudy and Mark Anthony Fernandez rediscover each other


"Mas naging open kami sa isa't isa," says Mark Anthony Fernandez (left) about his relationship with his father, Rudy Fernandez, who continues to battle cancer.



"Mas naging open at very close po kami sa isa't isa," ang bahagi ng saloobin na sinabi ni Mark Anthony Fernandez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa press launch ng Impostora last May 23. Ang relasyon niya sa amang si Rudy Fernandez ang tinutukoy ni Mark Anthony. Sobrang proud daw ang young actor dahil "na-rediscover" nila ang isa't isa.

Although hindi raw nila masyadong pinag-uusapan ang mga detalye ng chemotherapy na pinagdaanan ng ama dahil sa sakit nitong cancer, kaswal na kaswal naman silang nagbabalitaan at nagbibigay ng mga payo tungkol sa pag-iingat sa kalusugan, ang pagsunod sa mga payo ng doktor, at "pagkakaroon ng faith na kakapitan," pahayag ni Mark.

Masaya ring ibinalita ni Mark na papunta na sa maayos na paggaling ang ama. Nabuhayan sila ng loob nang nag-react positively sa mga gamot ang mga tumubong cysts sa ilang bahagi ng kidney ni Daboy. Nawala na rin daw ang mga bukol ng action star at sa last operation nga raw nito ay nakapag-boxing na siya after two days lang.

"Malaki ang naitulong ng mga prayers," sabi ni Mark. "And we still pray every minute. Talagang ‘yon ang kinapitan naming lahat at patuloy pa ring kakapitan. Ang importante ngayon ay mas lalo naming minahal ang bawat isa."

Samantala, fit na fit naman ngayon si Mark. Mas bumata siya at lalong tumingkad ang kanyang kaguwapuhan.

"Basketball, badminton, at regular na pagpunta sa Gold's Gym," pagbanggit niya sa mga dahilan kung bakit machong-macho ang appeal niya ngayon.

Nagpapasalamat din ang aktor sa mga tumulong sa ina niyang si Alma Moreno, na nanalong konsehal sa Parañaque.

"Iyon po talaga ang gusto ng nanay ko. Sana po ay tulungan na lang din natin siya sa kanyang mga nais gawin sa Parañaque bilang konsehal," pakisuyo pa ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN