Claudine and Raymart excited about the arrival of Rodrigo Santino


"Santino, di ba, is little saint? Raymart kasi is Raymond Martin, kaya parang little Raymart. At saka parang santo, di ba? ‘Yong Rodrigo naman parang bruskong-brusko, parang action star. Maganda ang blend, santo na action star," says Claudine Barretto about the name that she and husband Raymart Santiago have chosen for their first baby.


Masayang masaya ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto nang dumating sa kanilang baby shower sa Richmond Hotel kahapon, May 26. Medyo nadagdagan ang timbang ni Claudine, pero kitang-kita pa rin ang kagandahan niya.

Punumpuno ng mga kaibigan at malalapit na kamag-anak ang venue, lahat excited sa pagdating ng panganay na lalaki ng mag-asawa.

Rodrigo Santino ang napili ng mag-asawa para ipangalan sa kanilang unico hijo.

"Santino, di ba, is little saint? Raymart kasi is Raymond Martin, kaya parang little Raymart. At saka parang santo, di ba? ‘Yong Rodrigo naman parang bruskong-brusko, parang action star. Maganda ang blend, santo na action star," pagmamalaki ni Claudine.

Ipinakita pa ng mag-asawa ang 4D images ng kanilang baby. Hawig daw ang ilong ni Baby Santino sa kanyang ama. Mata naman ang maaaring makuha niya sa kanyang magandang ina.

"'Yong paa parang kay Raymart!" natatawang ikinuwento ni Claudine. "Kasi medyo malapad. At saka mahaba siya, mahaba ‘yong baby, di tulad naming mag-asawa."

Maaaring maging ka-birthday ng mag-asawa ang bago nilang baby. July 20 ang kaarawan nilang dalawa at nasa mga araw na 'yon ang due date ni Claudine.

"July 19 pa lang maglalakad na ako, para July 20 siguradong mag-labor na ako," pagbibiro ng drama star.

Malaki ang posibilidad na normal ang delivery ni Claudine, pero gusto raw ni Raymart ay caesarean section manganak ang asawa para siguradong July 20 raw ang labas ng baby. Ayon sa ninong ng mag-asawa at OB-Gyne ni Claudine, na si Dr. Greg Pastorfide, pipilitin daw nilang maging normal ang panganganak ng aktres.

Uma-attend din ng birth-aid training ang mag-asawa. "Parang Lamaze pero hindi naman, para lang maturuan ng tamang breathing ‘yong babae at saka kung paano makatulong ang mister," kuwento ni Raymart.

Handa na rin daw at excited pa ang kanilang adopted daughter na si Sabina sa pagdating ng bunso niyang kapatid. Pero hindi raw maiwasan na mag-demand ito ng pansin ngayon. Madalas daw nagpapakarga ngayon si Sab, ang nickname ni Sabina, kay Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unti-unti na raw nilang pinaghahandaan ang nursery ng kanilang bagong baby. Nagdisenyo raw si Raymart, sa tulong ng isang kaibigang furniture designer, ng isang espesyal na crib na gawa sa kahoy.

"Convertible ang crib. Pwedeng mag-rock, puwedeng naka-steady lang, at puwede ring alisin ang nasa gitna para kargahin," sabi ng proud daddy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN