Mark Anthony Fernandez is now serious with his acting career


"Maganda ang role ko kaya tinanggap ko. Matagal na rin akong hindi nakakapag-drama kaya dito ulit tayo magsisimula. Tsaka may pamilya na tayo. Hindi puwedeng balewalain ko ang trabahong dumarating," says Mark Anthony Fernandez about his role in Impostora.


Nakakatuwa naman malaman na nabigyan si Mark Anthony Fernandez ng isang pagkakataon na umarte sa isang malaking soap opera. Si Mark ang leading man ni Sunshine Dizon sa bagong teledrama ng GMA-7 na Impostora.



Ang huling project ni Mark sa Kapuso Network ay ang primetime soap opera na Ikaw Lang Ang Mamahalin, na pinagbidahan noon nina Sunshine at Angelika dela Cruz.



Hindi nagtagal si Mark sa naturang soap opera dahil bigla na lang itong hindi nag-taping. Ang kuwento ay papunta na si Mark sa taping location nang biglang mag-iba ang isip niya. Pinababa niya diumano ang kanyang PA (personal assistant) sa kanyang kotse at bigla na lang itong umalis.

Dahil dito, pinatay kaagad ang kanyang character sa Ikaw Lang Ang Mamahalin na two weeks pa lang lumalabas. Ito ‘yong time na kakalabas pa lang ni Mark sa drug rehabilitation center.



Ngayon daw ay hindi na raw gagawin ni Mark ‘yon dahil matino na raw ang kanyang pag-iisip. Natutuwa rin siya dahil nabigyan ulit siya ng isang regular na trabaho.



"Ayoko nang mapahiya sa GMA-7," sabi ni Mark. "Pinagsisihan ko naman ‘yong nagawa kong ‘yon in the past. Promise, it will never happen again.

"Nakakatuwa nga't naisip nilang akong isali sa Impostora. Maganda ang role ko kaya tinanggap ko. Matagal na rin akong hindi nakakapag-drama kaya dito ulit tayo magsisimula. Tsaka may pamilya na tayo. Hindi puwedeng balewalain ko ang trabahong dumarating."



Isa pang ikinatutuwa ni Mark sa pagkakasama niya sa Impostora ay ang kanilang direktor na si Maryo J. de los Reyes. Isa raw ito sa iginagalang na film director ni Mark kaya ayaw niyang mapahiya rito.



"Okay si Direk Maryo. Naidirek niya ako sa Kabilin-Bilinan ng Lola at naging very close kami. Para ko na rin siyang ama ko na handang magbigay ng advises sa akin. It's nice to be working with him again," masayang pahayag ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN