Yilmaz pleads to the media: "Please respect my privacy and my dignity."



Muling nakiusap ang Turkish businessman na si Yilmaz na igalang ng mga tao ang privacy niya at ng kanyang asawa na si Ruffa Gutierrez ukol sa kanilang paghihiwalay.

Sa pinakahuling statement na pinadala ni Yilmaz sa Startalk na inihayag naman noong May 26, direkta niyang tinukoy ang balitang nailathala sa Philippine Daily Inquirer noong May 15, 2007 kung saan may ilang interview mula sa ilang abogado ang naturang pahayagan upang ipaliwanag ang maaring maging implikasyon ng paghihiwalay ng mag-asawang Muslim.

Bunsod nito, hindi napigilan ni Yilmaz ang muling magsalita at depensahan ang kanyang sarili. Sa katunayan, hiniling pa niya sa media dito sa Pilipinas na igalang ang kanyang pribadong buhay at dignidad.

Sa simula ng e-mail ni Yilmaz tungkol sa nailathalang artikulo sa Inquirer, sinabi niya: "I felt obliged to use my right to reply regarding the news published about me last May 15. I hope the subject matter shall be over and the agenda will change. Hopefully, news like global warming will be on the agenda.

"First of all, if I have any fault due to human nature, the media has the right to criticize me but only with sufficient proof that I am the one to blame. However, you do not have the right to use my fictional fault and my religion.

"At the moment, ethnic and religious terrorizations are at its highest levels all around the world. Therefore, I would like to remind you of the dangers of taking this to a world circumstance."

Sa mga sumunod na pahayag, ayon sa Startalk, idiniin diumano ni Yilmaz na kahit kailan ay hindi niya pinilit ang asawang si Ruffa na mag-iba ng pananampalataya.

Sabi ni Yilmaz, "I have never exerted pressure on Ruffa during our relationship so that she will become a Muslim. On the contrary, I requested her not to choose Islam in case she was doing this just to make me happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I had also stated that I would never change my religion for her sake. When she chose to again become a Christian last week, I did not object. No matter what her religion is, all I want from her is love, sympathy, and respect for others."

Dinagdag din ni Yilmaz na kung may pinilit man siyang ipagawa kay Ruffa noong nagsasama pa sila, iyon ay ang tamang pananamit na ayon sa isang babaeng nananampalataya sa Islam.

Muli sa kanyang e-mail sa Startalk, sinabi ni Yilmaz, "Regarding the headscarf and clothing style, I have never made such pressure either, only for the choice of clothing style. I told her that she must be careful while choosing her clothes because she is the bride of an important family."

Samantala, nagpaliwanag din si Yilmaz tungkol naman sa mga naglabasang pahayag ni Annabel Rama—ina ni Ruffa Gutierrez—kung saan sinabi niya na hindi niya nagustuhan si Yilmaz noong una niya itong makita at hindi sila makapag-usap dahil hindi rin bihasa sa Ingles si Yilmaz.

Sa kabila ng pahayag na ito, sinabi ni Yilmaz na minahal na niya ang biyenan noong unang araw na magkita sila. Aniya, "Mrs. Annabel says she did not love me from the beginning. I want to say that I loved her from the first day that we met and that I still love her today.



"My silence is not as if I am not able to speak English or because of my fear, but because of my nobility. I accept this fortitude, your anger and instinct to protect your daughter. You do not give up on your daughter.

"Therefore, please understand my effort of not abandoning my own daughters. Also, I didn't have the intention of setting my daughters and their mother apart. As long as Ruffa fulfills her duty as a mother and lived her life with a certain level of dignity."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa bandang huli, muling hiniling ni Yilmaz sa media na igalang ang kanyang dignidad. Ang huling pahayag ni Yilmaz sa e-mail: "Please, I have never said that I am perfect or that I have a perfect life. But why is everyone seems to be their work to investigate my fault? In case there are individuals who are interested in learning my fault, I can tell them. My biggest fault is trusting and believing in people."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN