Rica Peralejo climbs Mt. Pulag


Aside from writing, Rica Peralejo's other passion is outdoor activities, like mountain climbing. Last December, Rica climbed the peak of Mt. Pulag, the second highest mountain in the Philippines.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rica Peralejo, naibahagi ng aktres ang kanyang mga pinagkakaabalahan lately.

Aba'y mantakin ninyong naakyat na pala ni Rica ang tuktok ng Mt. Pulag, ang second highest mountain peak sa bansa. Nangyari ito last December na kung tutuusin ay isang napakalamig na season. Talagang kinarir daw ni Rica ang pag-akyat sa tulong ng grupong sinamahan niya for her mountain climbing hobby. May pormal na pag-aaral ng mountain climbing kaya't legitimate climber ang aktres.

Although sa safest trek sila dumaan, proud si Rica sa pagsasabing isa na ‘yon sa most worthy activities na nagawa niya.

She looks forward to climbing more mountains. Hopefully daw ay Mt. Apo na this year, then ay kakaririn na niya ang mga dream climbs niya sa Mt. Kilimanjaro at Mt. Kinabalu. Posible kayang sa tutktok ng bundok niya makilala ang lalaki na magpapatibok muli ng kanyang puso, na gaya niya ay mahilig din sa outdoor activities?

"Well, why not? Baka kung sakali, pangarapin ko pang sa tuktok ng bundok magpakasal!" ang natatawang sabi nito.

Busy ngayon sa pagpu-promote ng Tiyanaks ng Regal Entertainment si Rica, kung saan kasama niya ang mga Kapuso stars na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado at iba pang young stars. Feeling old na nga raw si Rica dahil sa mga bagets na kasama at sa nakikita niyang kulitan ng mga ito.

This June ay regular nang papasok sa school si Rica. Nakapasa siya sa Ateneo de Manila Unversity at kukuha siya ng kursong Creative Writing. Nakatakda ring i-release next month ang isang artikulong isinulat niya sa isang magazine.

"Passion ko talaga ang pagsusulat. Kahit dati pa naman kapag kinakausap ninyo ako, ako ‘yong tipong nagdya-jot notes ng kung anu-ano. Kaya nga huwag kayong magtaka if one of these days, ako na ang mag-i-interview sa inyo at magsusulat about you!" ang natatawa pa nitong tinuran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN