Isabel Granada returns to showbiz after hubby's political setback


"Iba ang labanan dito sa politika, e, pailalim kumbaga. Kung sa showbiz ay intrigahan lang, sa politics ay iba talaga....," says Isabel Granada.


Aminado si Isabel Granada na kakaiba ang mundo ng pulitika kumpara sa showbiz. Kaya naman masyado siyang na-disappoint sa naging karanasan ng asawang si Geryk Aguas na kumandidatong vice mayor sa Angeles, Pampanga, sa katatapos na eleksiyon. Pati na ang balitang namatay siya dahil sa depression bunsod ng naging setback ng kanyang mister sa naturang halalan ay konektado raw sa pulitika .

"Iba ang labanan dito sa politika, e, pailalim kumbaga," mariing sabi ni Isabel. "Kung sa showbiz ay intrigahan lang, sa politics ay iba talaga. Insulto lang ito ng mga taong akala nila ay mawawalan na kami ng pag-asa. You lose some, you win some. The Lord has greater plans for us and alam namin kung sino ang nagkalat ng balitang patay na ako.

"Kung natalo man kami and didn't even protest or made comments, it's because 85 percent ng Angeles ang bumoto and that's about it, no further explanation. Ginamit lang kami sa pulitika. Since election day until nabalita nga na namatay na raw ako, iba-iba po ang kumalat na balita.

"And I pray for them, kasi tapos na ang resulta ng election, ginagawa pa kaming kasangkapan, political propaganda pa rin. This is another chapter in our lives, bahala na sa kanila ang Diyos," pahayag ni Isabel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang resto-bar sa Timog Ave., Quezon City.

Ano ba ang naiisip niya kapag may nagsasabing ang ganda naman niyang "multo"?

"Ganito talaga sa pulitika, e. Kahit buhay na buhay ka pa, papatayin ka nila. Sabi ko nga, ibang mundo ito, kaya hindi ko iniisip na pumasok sa politics. Although siyempre, nandiyan lagi ang suporta ko kay Geryk dahil nasa puso niya talaga ang public service, e," naiiling at nanginginting pahayag pa ni Isabel.

"To all my friends in showbiz industry, maraming salamat sa inyong concern at sa pag-clear sa naging balita. Salamat sa pagmamahal at tiwala ninyo pati na sa aking asawa," pahabol na saad pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ng tisay na actress-singer na aalisin muna niya sa kanyang bokabularyo ang pulitika at magko-concentrate muna siya sa kanyang showbiz career.

"We do have other careers naman po na inaasikaso. I have a movie coming out sa August 22, digital movie ito under Xion Films entitled Xenoa. It's a sci-fi movie at kasama ko si Paolo Ballesteros and guest din dito si Geryk. Si Geryk naman, bukod sa aasikasuhin niya ‘yong aming business, magbabalik din siya bilang commercial model," pagbabalita ni Isabel.

Sinabi rin ni Isabel na malapit nang simulan ang next album niyang mala-Beyonce Knowles ang tema, with former That's Entertainment buddy Chuckie Dreyfuss as the producer.

"Actually, matagal na kaming nag-uusap ni Chuckie, kaya lang kailangan talaga ng timing. Si Chuckie rin ang naging producer ng album ni Sarah Geronimo and excited na nga ako sa muli kong pagbabalik sa recording business," pagtatapos ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN