FIRST READ ON PEP: Nancy Castiglione breaks up with Brad Turvey


After more than one year, Nancy Castiglione and Brad Turvey have decided to end their relationship. The couple is still mum about the cause of their split.


Kumpirmadong split na sina Nancy Castiglione at Brad Turvey. Ito ang ibinalita sa amin ng isang very reliable source na malapit kay Nancy.



After mahigit isang taong relasyon ay nagdesisyon na sina Nancy at Brad na tapusin ito three weeks ago. Prior to their breakup ay two months din daw naging on-and-off ang relationship ng dalawa, until tuluyan na silang naghiwalay three weeks ago nang pumunta sa Canada si Nancy. Ilang beses na raw nilang tinangkang i-save ang kanilang relasyon, pero hindi raw talaga magkasundo ang dalawa.



May nakipag-usap na sa manager ni Brad na si Paolo Bustamante at kinumpirma nitong wala na nga ang alaga niya at si Nancy. Maging ang kampo ni Nancy, sa pamamagitan ng manager niyang si Arnold Vegafria, ay kinumpirma ang malungkot na balita.



At press time ay ayaw pang magbigay ng pahayag nina Brad at Nancy. Sa katunayan, umiwas nga si Brad na ma-interview ng mga TV crew nang mag-guest ito sa isang talk show sa GMA-7. Wala raw siyang masasabi ngayon dahil naguguluhan pa raw siya. Ang rason naman ni Nancy ay gusto muna niyang manahimik at pag-isipan ang lahat bago siya magsalita.



Pangatlong showbiz boyfriend na ni Nancy si Brad. Una niyang naging boyfriend from showbiz si Luis Manzano, na that time ay hindi pa sumasabak sa TV hosting. Sumunod na naging boyfriend ni Nancy ay si Paolo Contis at tumagal din ng ilang taon ang kanilang relasyon. Na-link din si Nancy kay John Prats, pero hindi nag-prosper ang kanilang dapat na magiging relasyon dahil biglang pumasok sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition si John.



Naging boyfriend din ni Nancy ang young businessman na si Bullet Jalosjos. Maging ang anak ni Chavit Singson na si Ronald Singson ay na-link din kay Nancy. Balitang ang bagong manliligaw ngayon ng Fil-Canadian young actress ay ang photographer na si Gutsy Tuason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



As for Brad, tanging si Pops Fernandez lang sa mga taga-showbiz ang na-link sa kanya.



Ayon sa aming source, ang madalas raw pag-awayan ng dalawa ay ang magkaibang ugali nila. Tahimik daw masyado si Brad samantalang confrontational naman diumano si Nancy. Mahilig daw manita si Nancy lalo na kapag may kausap si Brad na ibang babae. Si Brad naman daw ay parang kulang sa lambing, according to Nancy.



Pero may isa pang rason daw na tuluyang nagpabuwag sa kanilang relasyon. Ayaw itong i-reveal ng aming source dahil kailangan ay manggaling daw ito mismo sa bibig nina Brad at Nancy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN