Erik Santos on Rufa Mae Quinto: "We're on good terms."


Erik Santos and his girlfriend Rufa Mae Quinto arrived holding hands at the premiere of "Paano Kita Iibigin?," but were later seen arguing. Still, Erik say all is well.


Magka-holding hands na dumating sa premiere night ng Paano Kita Iibigin? last May 29 ang nababalitang cool-off na sina Erik Santos at Rufa Mae Quinto. Pagkatapos ng premiere night, may nakakita diumano kina Erik at Rufa na nagtatalo habang palabas ng sinehan.



Sa late-dinner party para sa buong cast ng pelikula, na ginanap sa Italianni's sa ground floor ng SM Megamall, diretsahang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Erik kung totoong nag-away nga sila ni Rufa Mae pagkatapos manood ang premiere ng pelikula nina Regine Velasquez at Piolo Pascual.



"Hindi!" mariing tanggi ni Erik.



Hiningan din namin ng reaksiyon si Erik tungkol sa tsismis na nakita silang nag-date ni Say Alonzo.



"Ano bang ie-explain?" balik-tanong ni Erik. "Ako? May idini-date? Wala nga po akong ginawa kundi kumanta nang kumanta, magtrabaho, e."



So, hindi totoong lumabas sila ni Say?



"Hindi, wala," sagot ni Erik. "Iyong sa amin ni Say, wala ‘yon. Magkakaibigan kami and magkakasama kami sa cell group sa Bible study. So, we're all friends."



Totoo bang nagulat si Rufa Mae nang makarating sa kanya ang tsismis na nakitang magka-date sina Erik at Say na hindi ipinaalam ng kanyang boyfriend sa kanya?



"Hindi, wala naman akong dapat i-explain dahil, unang-una, hindi naman ako dapat tanungin. Kailangan, ano, trusted niya ako. So, hindi ko na kailangan mag-explain," sabi ni Erik.



Totoo bang hindi alam ni Rufa Mae na may tsismis na ganun sa kanila ni Say ?



"Hindi, alam niya ‘yon. Siya nga ang mas unang nakaalam kesa sa akin," sagot ng singer.



Ano naman ang masasabi niya sa intrigang sinamantala diumano niya ang pagkakataon habang nasa Brunei si Rufa Mae?



"Nasa bahay lang ako noong nasa Brunei siya. Wala, hindi totoo ‘yon. Pag totoo, sasabihin ko sa inyo. Wala akong dapat i-explain. Alam ng Diyos, malinis ang konsensiya ko. Iyon na ‘yon, I swear to God," sunud-sunod na sabi ni Erik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Totoo bang nasaktan si Rufa Mae sa lumabas na balita kina Erik at Say?



"Hindi," sagot ni Erik. "Hindi hurt si Rufa. Kilala ko ‘yan. Saka 'eto ang masasabi ko. Pag wala siya rito or pag wala ako rito, alam niya ‘yong nangyayari. Alam namin ‘yong nangyayari sa isa't-isa kasi nagtatawagan kami at nagte-text."



Wala raw natanggap na text si Rufa sa kanya dahil walang signal sa kinaroroonan niya that time?



"Ay, wala talagang signal doon [Alaska], kahit itanong nyo pa kay Kuh Ledesma at kay Pops Fernandez. Wala talagang signal doon," paliwanag ni Erik.



Nag-cool off ba sila ni Rufa?



"Hindi," diretsong sagot ni Erik. "We're on good terms and ‘yon nga, magkasama kami noong premiere night. Kung cool-off kami, dapat hindi kami magkasama. Lagi nga kaming magkasama, e."



Anong assurance na okay na sila ni Rufa Mae?



"Actually, hindi naman kami... Kumbaga, ‘yong tampuhan namin, nase-settle naman agad namin ‘yon, e. So, wala akong dapat i-explain dahil hindi naman ako nakagawa ng kahit na konting kasalanan sa kanya. So, we're okay," paniniguro niya.



Sa June 13 ay isang taon na ang relasyon nina Erik at Rufa Mae. May special plan na ba si Erik para i-celebrate ang kanilang anniversary?



"Sa dami po ng trabaho, hindi pa naaayos," pag-amin niya. "Pero puwede naming i-postpone ‘yon, e. May trabaho din siya [Rufa Mae] noon, may shooting siya. E, ako rin, may trabaho rin," pagtatapos ni Erik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN