Lovi Poe talks about the men in her life


Lovi Poe misses co-star Cogie Domingo but only as a friend, she says.


Hanggang ngayon ay buong-ningning pa ring itinatanggi ni Lovi Poe na nagkaroon sila ng relasyon ni Cogie Domingo, na kasalukuyang nasa United States. Idiniin ni Lovi na naging close lang talaga sila ni Cogie nang mag-partner sila sa Love To Love at sa Bakekang.



Marami tuloy ang haka-haka na kaya raw hindi maamin ni Lovi ang kanyang relasyon kay Cogie ay dahil nahihiya siya sa mga kinasangkutang intriga ni Cogie, lalo na noong last few weeks of taping ng Bakekang kung saan nagiging unprofessional na ang young actor. Naging issue rin ang pagpatol diumano ni Cogie sa sexy star na si Keanna Reeves kaya tuluyan nang inilayo ni Lovi ang kanyang sarili sa young actor.



"Wala naman kinalaman sa mga tsismis kung bakit ako nagdi-deny," sabi ni Lovi. "Kasi nga, we were never really on. Hindi kami nagkaroon ng relasyon, talagang close friends lang kami ni Cogie."



Dagdag pa niya, "Nakarating sa akin ‘yong mga tsismis na ‘yan. Never ko namang tinanong si Cogie regarding that. Hihintayin ko na lang siyang magsalita or mag-explain. But he never did kaya siguro naman, hindi na big deal ‘yon."



Pero aminado si Lovi na nami-miss na niya si Cogie.



"But of course, I miss him kasi friend ko naman siya at maganda ‘yong naging working relationship namin. Nakaka-miss ‘yong pagiging palabiro ni Cogie. He makes me laugh kasi, kaya nakaka-miss talaga 'yon. Wherever he is, I hope that he's happy and doing well."



Si Lovi ang kinuhang female celebrity endorser ng Bratt Apparel. Ang StarStruck 4 First Prince na si Prince Stefan ang siyang kasama ni Lovi rito. Ibini-build up din ang team-up nila ni Prince, na okay naman kay Lovi.



"I have no problem with Prince kasi he's such a nice person. Madali siyang katrabaho and I never heard him complain about anything. ‘Yan ang mga gusto kong katrabaho, ‘yong professional at walang arte sa katawan. What I like about Prince is that he's very dedicated to his work. Tsaka he likes to always improve on his talents. Tulad sa singing, he wants to improve more on it kahit na okay na siya. He continues to learn more and that's good," papuri ni Lovi kay Prince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kahit na si Prince ang inila-loveteam sa kanya ngayon, balitang itatambal din daw ulit kay Lovi ang co-star niya sa Bakekang na si Mark Cielo para sa isang TV drama sa GMA-7. Kanino kaya siya mas kumportable, kay Prince o kay Marky?



Ayon kay Lovi, "With Marky kasi, naging maganda ang pagtrabaho namin sa Bakekang before. He's a good actor and mabait din si Marky. Pero may mga nagsasabi na mas maganda raw ang chemistry namin ni Prince because ilang beses na kaming kumanta sa SOP at maganda ang feedback.



"Siguro kung i-pair man ako kay Marky or kay Prince, it really doesn't matter dahil pareho lang namang trabaho. It only means na I can work with not just one person but [with many]. Mas maganda naman ‘yong marami kang nakakatrabaho, di ba?" paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN