Nene Tamayo gives birth to a baby boy!


Pinoy Big Brother's Kumander Nene is now a mother! Nene Tamoyo gave birth to a healthy boy last night, May 31, at the Delgado hospital.


Nagsilang ng healthy baby boy ang first Grand Winner ng Pinoy Big Brother na si Nene Tamayo kahapon, May 31, at 7:58 p.m. sa Delgado hospital sa Kamuning, Quezon City.

Anthony Zane Tamayo Plamio, Jr. ang buong pangalan ng baby na may bigat na 5.14 lbs. Ang mister ni Nene na si Anthony Plamio, na naging dancing partner niya sa U Can Dance ng ABS-CBN at isa ring professional dance instructor, ang mismong nagdala kay Nene sa ospital, bandang 3 p.m.

Papunta na sana ang mag-asawa sa SM Megamall para maglakad-lakad si Nene sa payo ng kanyang OB Gyne na si Dra. Olalo. Last week pa ang due ni Nene kaya hinihintay lang nila na lumabas ang bata. But on their way, biglang sumakit ang tiyan ni Nene kaya dumiretso na sila sa ospital, at pagdating nila roon ay pumutok na ang panubigan ni Nene.

Nang dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nene bandang alas-sais ng gabi ay kasalukuyan pa lang siyang nasa labor room, pero mahigit 5 cm na ang opening sa paanakan niya. Kaya pagkalipas lamang ng less than two hours ay nanganak na si Nene.

Ayon kay Anthony, two days lang sila mag-i-stay sa ospital. After that, diretso muna sila sa tindahan na inuupahan nila. Pina-renovate daw nila ang tindahan para sa pansamantalang pananatili ng kanyang mag-ina.

Pagkatapos ng ilang linggo ay saka naman sila uuwi sa napanalunang bahay ni Nene sa St. Monique Valais sa Binangonan, Rizal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN