Confirmed: Beauty queen Carlene Aguilar is six months pregnant


Bb. Pilipinas-World 2005 Carlene Aguilar is pregnant. This was discovered by GMA-7 News entertainment reporter Lhar Santiago when he saw the beauty queen in Los Angeles, California, last week.


Mid-February 2007 nang unang pumutok ang balitang buntis ang beauty queen-model na si Carlene Aguilar. Namataan kasi noong mga panahong 'yon ang 2005 Bb. Pilipinas-World na namimili ng maternity dress at isinusukat pa umano nito.

Si Carlene, hindi nag-deny o tumanggi sa isyu. Ang kanya namang rumored boyfriend na si Dennis Trillo ay mariin ang pagtanggi.

Matatandaan ang paliwanag ng matinee idol sa February 24, 2007, interview niya sa Startalk: "Una kong narinig 'yong balita, natawa ako kasi parang ngayon pa lalabas 'yong isyu na ganoon, considering na ang tagal na naming hindi nagkikita ni Carlene. Although hindi ko naman idini-deny na magkaibigan kami tsaka lumalabas kami paminsan-minsan. Pero ngayon kasi, kumbaga, may sarili na siyang buhay. Ganun din naman ako, di ba? At maraming trabaho."

March 12, 2007, sa launching ng album ni Dennis sa Hard Rock Cafe, tila nagbago naman ang dating ng kanyang mga sagot. Sa tanong na posible kayang buntis nga ang kanyang rumored girlfriend, sabi: "Hindi ko alam. Hindi ko sure. Hindi ko alam, ayoko lang magsalita."

Nang mga panahong iyon, marahil may alam na ang matinee idol tungkol sa pagbubuntis ni Carlene.

Nang mag-celebrate naman ng kanyang 26th birthday si Dennis last May 12 sa Barrakz Bar sa Tomas Morato, Quezon City, kapansin-pansing wala si Carlene.

Noong isang linggo sa Los Angeles, California, laking gulat ng GMA-7 News entertainment reporter na si Lhar Santiago nang tumambad sa kanya ang katotohanan—buntis nga si Carlene!

Agad daw nag-volunteer si Carlene ng sagot na hindi si Dennis ang ama ng kanyang dinadala. Pero tumanggi namang magdetalye ang beauty queen.

Anim na buwan na raw ang dinadala ni Carlene.

Noong panahong nagdududa ang lahat na buntis siya, by our calculation, two months pregnant na ang beauty queen.

Mas maraming tanong ang nabuhay ngayon.

Sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Carlene? Todo-tanggi siyang si Dennis ang ama nito. Kung totoong matagal nang hindi nagkikita ang dalawa, ibig sabihin ay may ibang karelasyon si Carlene na hindi naibabalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Dennis at ang manager nito na si Popoy Caritativo, pero hindi pa rin sila sumasagot sa aming text message.

Mapapanood sa Lunes ang detalye ng usapan nina Carlene at Lhar Santiago sa 24 Oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN