Jan Marini and Gerard Pizarras dedicate their second child


Raine Jarvis, second child of celebrity couple Jan Marini and Gerard Pizarras, had his dedication yesterday, June 2. Among his godparents are Jolina Magdangal, Iza Calzado, Jackie Forster, Tonton Gutierrez, Ara Mina, and others who couldn't make it.


Idinaos ang dedication ng bunsong anak nina Jan Marini at Gerard Pizarras na si Raine Jarvis, sa Cabalen restaurant sa West Avenue kahapon, June 2, sa pangangasiwa ni Pastor Winston Reyes.



Tuwang-tuwa naman ang mga ninong at ninang ng six-month-old na munting anghel dahil nga sa nakakatuwang hairstyle nito na mohawk. Kabilang sa mga naging saksi sa dedication ni Rain sina Jackie Forster, Lindsay Custodio-Platon, Jolina Magdangal, Tonton Gutierrez, Phillip Lazaro, Socorro Ilagan of GMA-7, at iba pang non-showbiz.

Hindi nakadalo ang ibang ninong at ninang ni Rain dahil nasa US si Ara Mina, abala sa promo ng Impostora si Iza Calzado; may importanteng lakad si Onemig Bondoc, at pauwi pa lang galing abroad si Ronnie Ricketts.



Ang panganay naman nina Jan at Gerard na si Brianna, 6 years old, ang abala sa pag-iikot ng guest book sa mga dumalo.



When not busy sa TV o kaya sa pelikula si Jan, she is a regular host sa The Library Sing-Along Bar sa Malate. Pero hindi pa siya kaagad makakabalik sa isa pang mundong gustung-gusto niyang galawan—ang pagkanta—dahil after daw niyang manganak ay nagkaroon siya ng hypothyroidism.



"Napansin ko na lang na parang bigla na akong lumalaki. Na-trigger pala ‘yon ng panganganak ko. Kasi, sa first baby namin, hindi naman ako nanaba. Kaya ngayon, abala muna ako sa pagpapapayat. And because kailangan kong mag-take ng medicines for hypothyroidism, I had to stop din breastfeeding Rain. Kaya until his third month, na-breastfeed ko pa siya."



Kasama si Jan sa pinakabagong primetime drama series ng GMA-7 na Impostora.



"Hindi naman full-length ang labas ko there," sabi ni Jan. "I think sa first two weeks ako mapapanood. But it's okay, dahil gusto ko pa rin ngang magpapayat nang husto and I have to lose pa mga 20 pounds. Di ba, ang bilis ng inilaki ko? Kaya hindi rin muna ako makakasalang sa gig ko sa The Library although nami-miss ko na ang singing ko at pagpapatawa, kasama ng mga co-hosts ko there. E, siyempre, nami-miss ko naman ‘yong mga seksing outfit na isinusuot ko pag naghu-host ako doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sexy outfits nga ang naging dahilan para ang ilang customers ay habul-habulin siya at bantayan sa kanyang set sa nasabing sing-along bar.



"May mga makukulit lang talaga. Pero sinasabi ko naman sa kanila na I'm already happily married at nanay na!" natatawang kuwento ni Jan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN