Jill Yulo replaces Alwyn Uytingco for Maynard Lapid


After her break-up with Alwyn Uytingco (right), Jill Yulo (center) has found a new love in Maynard Lapid (left).


Sa press conference ng horror flick na Tiyanaks kahapon, June 3, sa Imperial Palace Suites, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Jill Yulo kung may pag-asa pa bang magkabalikan sila ng dati niyang boyfriend na si Alwyn Uytingco. Incidentally, magkasama sa Tiyanaks sina Jill at Alwayn, na meron ding mga nakakakilig na kissing scenes sa pelikula.



"Wala na po akong tiwala sa mga lalake, e!" nakakagulat na pakli ni Jill.



Nang hingan ng paliwanag sa tinuran niya, sinabi ni Jill na: "Nagkasalo nga po kami sa mga kissing scenes ni Alwyn. At hindi ko naman naialis sa sarili ko na itanong nga kung ano kaya kung magkabalikan pa kami uli nito. Kaya lang, sabi ko, kung mauulit na naman ang mga nangyari, parang malabo na talaga."



Nilinaw rin ni Jill na siya ang nakipag-break kay Alwyn. Dahil ba sa babae kaya sila nag-break?



"Selosa ako, e. And parang ganoon na nga ang nangyari," sagot ng young actress.



Totoo ba na si Jill ang tipong nanunugod?

"Hindi naman," pagtanggi niya. "Kaya lang, hindi ko na lang sasabihin ang pangalan nung girl. No, hindi siya taga-Star Magic. Basta nasa ABS-CBN din siya. Kaya lang, parang wala na rin yata sila. In short, hindi rin sila nagkatuluyan [ni Alwyn]."

NEW BOYFRIEND. Ngayong onscreen na lang ang tambalan nila ni Alwyn, balitang ang bagong boyfriend ngayon ni Jill ay ang bunsong anak ni Lito Lapid na si Maynard Lapid. Kasalukuyang nasa United States si Maynard, okay lang ba kay Jill ang long-distance relationship?



"He has to stay in Las Vegas dahil doon naman talaga siya namamalagi, e. Thrice a week naman, nag-uusap kami over the phone. Siyempre, ang trabaho ko naman ay nandito sa Pilipinas," paliwanag ni Jill.

Paano kung mabalitaan niya na lang na may ibang girlfriend pala doon si Maynard, or worst, meron na palang pamilya ito roon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"E, kung ganoon ang mangyayari, wala akong magagawa," sagot ng dalaga. "Okay lang. Kung ayaw niya sa akin, hindi ko ipipilit ang sarili ko. Alam ko naman na darating ang panahon na ang lalake, gugustuhing tumikim ng ibang ulam."



Ibig bang sabihin nito ay "natikman" na siya ni Maynard?



"Ganoon naman talaga, generally, hindi ba? Nangyayari usually sa mag-asawa. Na kahit matagal na nagsama, naghahanap pa rin ng iba ang lalake. No, hindi po kami nagtikiman. Basta wala po akong tiwala sa mga lalake," paliwanag niya.



Aminado si Jill na kung selosa siya ay sobra ring seloso ang boyfriend niya ngayon. Nabanggit ni Jill na marami silang kissing scenes ni Alwyn sa kanilang pelikula, alam ba ito ni Maynard?



"Hindi ko pa sinasabi sa kanya," sabi ni Jill. "Kung nandito man siya at nalaman niya 'yon, siguradong hindi na lang niya panonoorin ang pelikula namin. Pero sasabihin ko rin naman sa kanya eventually."



FIRST BOYFRIEND. May spark pa rin ba between her and Alwyn?



"Aaminin ko, sa mga ginawa naming eksena, meron pa rin," pag-amin ng young actress. "He's my frist boyfriend, hindi maaalis 'yon. And we have remained good friends. Hindi ko ide-deny, I still like him. Pero at the back of my mind nga, nandun ang paniwala ko na hindi na dapat maulit ang mga nangyari sa amin. Na may something talaga na hindi pa rin ako ready uli kung balikan ang pag-uusapan. So, sabihin nating hindi pa rin ako nakaka-move on."



How unfair yata for Maynard?



"Alam niya naman what I am going through. And he understands," sabi niya.



Alin ang totoo kay Jill: absence makes the heart grow fonder or absence makes the heart forget?



"Marami pa rin po kasi akong plano ngayon, e," ani Jill. "Kaya okay lang kung may space between me and Maynard. I'm still thinking kung sa London ako magpapatuloy ng pag-aaral ko. Kasi ayoko rin namang malayo sa mga mahal ko sa buhay. Pero if I want to pursue my studies, gusto ko na doon ko kunin ang course na Psychology. Nag-iisip-isip pa rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Napansin ng mga kaharap ni Jill, hindi na niya suot ang identical bracelet nila ni Alwyn.



"Pinalitan ko na po ng bago," banggit ni Jill.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN