Jennylyn Mercado gets hit by the flu virus


Young actress Jennylyn Mercado missed the presscon of the horror flick Tiyanaks last night, June 3, because she was hit by the flu virus.


Wala si Jennylyn Mercado sa second press con ng Tiyanaks kahapon, June 3, sa Imperial Palace Suites. Siya lang ang absent samantalang nandoon ang buong cast na sina Rica Peralejo, Mark Herras, JC de Vera, Karel Marquez, Alwyn Uytingco, Jill Yulo, Ryan Yllana, at TJ Trinidad.

Nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Becky Aguila, manager ni Jennylyn, kung bakit wala ang kanyang alaga sa press con for the Regal Entertainment horror flick. Sinagot kami ni Becky na may flu raw si Jennylyn.

It seems na may kalalaan ang flu ng young actress dahil na-pack-up din ang shooting nila ni Mark Herras sa Daranak Falls that same night of the press con, kung kaya't ang ibang stars na lang ang kinunan ni Direk Mark Reyes.

Sunday night pa rin, habang nagpapahinga si Mark sa Station 168, kasama ang co-StarStruck boys Rainier Castillo and Mike Tan, nakatanggap siya ng text message mula sa production staff ng Fantastic Man.

Pack-up din today, June 4, ang taping nina Mark at Jennylyn for Mark's solo show. Today sana ang taping ng episode ng Fantastic Man, kung saan bibisita sa show ang stars ng Super Twins, na sina Jennylyn at Nadine Samonte.

Malamang na nagpapahinga si Jennylyn dahil tomorrow, June 5, work day niyang muli, with another press con to attend. Ito naman ay para sa Angels, ang Eagle Eyes Production starring her and boyfriend Patrick Garcia.

Matatandaang sa last movie ni Jennylyn, ang Super Noypi, naantala ang shooting dahil nagkasakit din siya. Nangyari din ito sa Eternity, also ng Regal Entertainment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN