Son of former PBA player Franz Pumaren joins showbiz


Franz Pumaren, the son of a former Philippine Basketball Association (PBA) player who carries the same name, wants to make a name for himself outside his father's successful career as a cager.



Ang current graduating batch yata ng eksklusibo at premyadong Colegio de San Agustin ang may pinakaraming pumasok sa pag-aartista.

Sa pagsisiyasat ng PEP (Philippine Entertainment Portal), mag-schoolmates at co-seniors ang anak ng yumaong si Fernando Poe, Jr., na si Lovi, ang Pinoy Big Brother Teen Edition ex-housemate na si Fred Payawan, and the half-Japanese singer na si Mayo Suzuki.

Sa latest batch ng Star Magic, dalawa ang nakapasok sa Colegio de San Agustin, although one has since changed schools. Ang isa, si Krista Valle, is still a schoolmate of Lovi, Fred, and Mayo; samantalang ang isa pa, si Franz Pumaren, ay umabot hanggang second year at matapos ay nag-home schooling na sa Distance Learning School ng ABS-CBN.

Dito nakilala ng Star Magic si Franz kung kaya't inalok siyang mag-artista. The 17-year-old jock has the same facial features of the famous Pumaren brothers, na mga sikat na players ng Philippine Basketball Association (PBA) in the early ‘90s—si Franz Pumaren ng San Miguel Beermen (na ama ni Franz) at si Dindo Pumaren ng Purefoods (na uncle ni Franz).

Noong una, nahihiya pa sanang pumasok ni Franz sa showbiz, lalo na't nalalapit na noon ang eleksyon and his father was running again for councilor of Quezon City. Ayaw niyang magamit siya against his father, lalo na't anak siya sa pagkabinata ng former PBA player.

Si Franz ang unang anak ng senior Pumaren, although he does not use "junior" after his name. Hindi naman kasi ang ina niya ang nakatuluyan ng kanyang ama.

"At first I was afraid that that knowledge would be used against my Dad sa pagkampanya niya so I'm hesitant. But then he's okay naman with the idea of me trying out showbiz. It was fortunate pa that we [Star Magic batch] were introduced after the election, so it wouldn't matter na rin sa candidacy niya," sabi ni Franz sa PEP during the launch of Star Magic Batch 15 last week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Franz hopes daw na sana'y makagawa rin siya ng sariling pangalan na di umaasa sa katanyagan ng kanyang ama.

Franz is the third offspring of a basketball great na naging part ng ABS-CBN Star Magic. Ang dalawa pa ay ang mga anak nina Philip Cezar at Alvin Patrimonio, na sina Nicco Cezar and Angelo Patrimonio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN