Newcomer denies causing the breakup of Alwyn Uytingco and Jill Yulo


Princess Ryan (left), who is part of the cast of Love Spell, dispels rumors that she caused the breakup of Alwyn Uytingco (middle) and Jill Yulo (right).


One lucky ex-boyfriend itong si Alwyn Uytingco. Nakakasama pa rin niya ang mga ex-girlfriends niya sa iba't ibang projects.

Nagkasama sila ni Shaina Magdayao early this year sa Happy Hearts, and although hindi naman naging sila, na-link din siya rito before Rayver Cruz came along. Sa upcoming Regal movie na Tiyanaks, sila naman ni Jill Yulo, na naging girlfriend niya, ang magkasama at magka-partner. At sa isang recent episode ng Maaalala Mo Kaya, si Princess Ryan naman, na naging ex din niya, ang naka-partner niya.

Princess recently turned 18 last May 26 and was part of Star Magic's May celebrators who were presented to the press. The former Bora girl is now seen sa Love Spell ni Jericho Rosales, and sa Teens show ng ABC-5, where she appears with two GMA-7 based stars, TAPE's Mr. Pogi Edgar Allan Guzman and Viva's PJ Valerio.

Sa Star Magic birthday presscon, may nagpaalala kay Princess na ex siya ni Alwyn at hindi niya naman ito idinenay. Ang dinenay niya ay ang mga nabasa niya noong sila pa, na siya ang cause of breakup nina Alwyn at Jill.

Si Princess ang naging girlfriend ni Alwyn after he broke up with Jill. In a birthday presscon last year ni Jill, she mentioned that it was a third party that caused her breakup with Alwyn.

"Hindi po totoo ‘yon kasi magkakilala na kami ni Alwyn bago maging sila. Kung nagti-text man si Alwyn noon, as friends lang," paliwanag ni Princess sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nasabi kasi ni Jill noon na nahuhuli niyang may tini-text si Alwyn.

Tanggi ni Princess, "Nang nanligaw siya sa akin, matagal na po silang wala."

Hindi rin naman nagtagal ang relasyon nina Princess at Alwyn, at sa ngayon, single siya tulad nina Alwyn at Jill. Bagama't nagkaroon ng bagong boyfriend si Jill, ang anak ni Senator Lito Lapid na si Maynard Lapid, split na rin sila even before the May 14 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN