For Roxanne Guinoo: Joross Gamboa out, Jake Cuenca in


Young actress Roxanne Guinoo (center) dispels rumors she is still bitter about her break-up with Joross Gamboa (left) but keeps us guessing about her relationship with Jake Cuenca (right).


Despite her romantic involvement with Jake Cuenca, rumors still crop up that Roxanne Guinoo remains bitter about her break-up with ex-boyfriend Joross Gamboa. Ayon sa mga balita, hindi pa raw totally na-o-overcome ni Roxanne ang kanyang nararamdaman para kay Joross, na ka-batch niya sa kauna-unahang Star Circle Quest.

Nilinaw ni Roxanne ang isyung ito nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP '07 last Sunday, June 3.



"I already overcome whatever I felt for Joross," diin ni Roxanne. "I'm happy now with my life. Masaya ako sa lahat—sa work ko, in my personal life—so there's no reason for me to be bitter or anything."

Isa pang isyu na sinagot ni Roxanne ay ang pagti-text diumano sa kanya ni Joross para mai-guest ang young actor sa Wowowee, kung saan isa sa mga co-hosts si Roxanne. According to the noontime show co-host, there's no reason for her to be texting Joross. She says, however, that they are friends.



"Wala namang reason para mag-text pa kami ni Joross," sabi ni Roxanne. "But I can say super friends pa rin kaming dalawa. Pag nagkikita kami, okay naman kami. Kanina nga in ASAP, ka-chika ko siya sa stage.



"Siguro ‘yong issue na ‘yan started nung dyino-joke kami ni Kuya Willie [Revillame, Wowowee host], kami ni Mariel [Rodriguez], na mahilig daw kami sa mga models. Ang napapala daw namin ay nasasaktan lang ang mga puso namin. Sa forty-six [years old] na lang daw kami."

Samantala, karaniwan nang nakikita sa ABS-CBN si Roxanne, kasama ang rumored boyfriend niyang si Jake Cuenca, na sweet at close sa isa't isa. Sa kabila nito ay hindi pa rin umaamin ang dalawa sa tunay na lagay ng kanilang relasyon.



"We're okay, magkasama kami sa work," sabi ng young actress. "About us, as much as possible, gusto naming maging private ang lahat. Ayaw naming masyadong magulo. Basta right now, happy kaming dalawa ni Jake."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nang sila pa ni Joross, lumabas ang pagiging conservative and over-protective ng family ni Roxanne, lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon. Nang tanungin ng PEP si Roxanne kung naipakilala na ba niya si Jake sa family niya, oo raw.



"Okay naman sa kanila si Jake. Everything turned out okay, happy naman sila. Ayan, tingnan ninyo, legal sa Tita ko, sa Mama ko, so wala talagang problema," panghuling pahayag ni Roxanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN