PEP EXCLUSIVE: Katrina Halili considers last boyfriend as her "greatest nightmare"


"Ayoko nang magka-boyfriend kasi diyan ako nagkaka-pimples!" jokes Katrina Halili.


Naging misteryo sa marami ang lalaking kasama ng sexy young actress na si Katrina Halili sa Boracay last Holy Week. Later on ay napag-alaman na ang kasama ni Katrina that time ay ang restaurateur na si Alex Lopez.

Doon lang actually sa Boracay nagkakilala sina Katrina at Alex. Since then ay naging masugid na manliligaw na ng sexy young actress ang binata.

Lumabas pa nga rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na pinadadalhan ni Alex ng pagkain at bulaklak si Katrina sa tapings nito. Minsan naman daw ay matiyagang binabantayan ng binata ang dalaga sa trabaho nito.

ALEX LOPEZ. Pero sa pagdalaw ni Katrina sa opisina ng Summit Media kahapon, June 7, ay napag-alaman ng PEP na pinatigil na pala niya sa panliligaw si Alex. Ayon sa sexy young actress, hindi pa raw siya ready for another relationship dahil sa sobrang focused daw siya sa kanyang career ngayon.

"Ang hirap po pala kasi, di ba, super busy ako? Tapos, kahit papaano, extra time sila [suitors]. Kahit papuntahin mo lang sa taping, siyempre mag-e-excuse ka para kausapin mo. Parang nakakapagod," paliwanag ni Katrina sa exclusive interview sa kanya ng PEP.

"Ayoko na po," patuloy niya. "Buti sana kung ligaw lang, e. Gusto niya [Alex] nandiyan lang siya. E, parang hindi puwede. Parang asawa na ‘yon."

Sinabi rin ni Katrina na sa loob ng panahon na nanligaw sa kanya si Alex ay never daw silang nag-date.

"Busy po, sobra. Never! Wala talagang date," aniya.

Kahit pinatigil na ni Katrina si Alex sa panliligaw, sinabi ng sexy young actress na may magaganda pa rin naman itong katangian.

"Nababaitan, sobrang bait nung guy," sabi niya. "Sabi naman ng mga tao, siyempre nanliligaw. Hindi ko rin naman kilala, pero sa ipinapakita naman niya sa akin, mabait naman siya.

"Kasi ‘yong ex ko dati,"patuloy niya, "sabi ko rin mabait, super-bait. As in, naghiwalay na kami, mabait pa rin. Hanggang sa nauntog na ako, hindi pala siya mabait. As in, na-realize ko na hindi siya mabait, ang tagal na naming hiwalay. Nandun pa ako sa stage na parang nauuto-uto ka. Ganun naman talaga, dumarating naman tayo sa stage na ganun, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kumusta naman sila ni Alex ngayon?

"Nandiyan pa rin [siya], pero hindi na kami masyadong nagti-text," sabi ni Katrina. "Hindi naman kasi siya ‘yong tipo ng tao na magti-text sa akin or tatawag, lagi lang siyang naghihintay ng text ko. Nag-aantay lang siya palagi kung kailan ako magti-text.

"Alam ko nandiyan pa rin po. Pero ano, e, hindi pa ako ready. Bata pa ako. Kasi kung payagan ko siyang manligaw, iba, e. Para akong nakatali na nandiyan lang siya palagi. Hindi ko kaya."

Dagdag pa ng 21-year-old sexy young actress, "Saka sabi ko muna sa kanya, ayoko muna na ng ganun. Parang sobrang focused sa career lang. Kasi parang, na-ano ako last year. Super, parang ayoko na munang mag-boyfriend."

BULLET JALOSJOS. Ang tinutukoy ni Katrina ay ang break-up nila ng huling boyfriend niyang si Bullet Jalosjos.

Traumatic ba ang naging paghihiwalay nila ni Bullet?

"Medyo. So, ayoko muna," maikli niyang tugon.

Paano naging traumatic?

"Ay, naku, iyakin ako!" pag-iwas niya. "Ganun talaga ako, mababaw po talaga ako, e. Basta, ayoko nang maulit ‘yon. Kasi ako, kahit sabihing sandali pa lang magkakilala... Ako kasi, wala ‘yon sa ngayon lang kayo nagkakilala o sa mas matagal, di ba? Wala sa ganun, e. Basta ganun ako, mabilis ma-hook sa [isang guy]."

Dahil ba sa break-up nila ni Bullet kaya umiiwas na siya ngayon sa guys?

"Medyo," pag-amin niya. "Noong una natutuwa ako, ‘Wow, may nanliligaw sa akin. Masarap pala ang feeling na ‘to.' Kasi dati, parang ako palagi ang nagsusuyo, ‘yong parang ganun. Tapos ngayon, ang sarap pala ng ako ‘yong babae. Pero nakakapagod din po, hindi na ako nag-enjoy. So, work na lang."

Hindi niya ba kayang pagsabayin ang career at lovelife?

"Siguro sa nangyari sa akin last year, ayoko," sagot ni Katrina.

Nang tanungin namin siya kung ano ang ginawa sa kanya ni Bullet at ganun na lang ang pag-iwas niyang ma-in love ulit, hindi na napigilan ni Katrina ang pagtulo ng kanyang mga luha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Uy, nakakainis kayo, baka sabihin binubugbog ako nun!" biro ni Katrina, sabay sabing talagang iyakin lang daw siya kahit walang dahilan.

Nang mahimasmasan, nagsalita ulit si Katrina at sinabing "Hindi, wala namang ginawang masama [si Bullet]. Pero na-realize ko na parang ayoko na munang madaliin ‘yong ganun. Kung kayo, di kayo. Mas gusto ko munang i-prioritize ‘yong trabaho ko."

Would she say na si Bullet ang greatest love niya?

"Greatest ano siya, nightmare! I swear, greatest nightmare. Alam ‘yon ni God," natatawa niyang sabi.

MARK HERRAS. After Bullet ay na-link din si Katrina sa kanyang batchmate sa kauna-unahang StarStruck na si Mark Herras. Bakit nga ba hindi natuloy sa totohanang relasyon ang samahan nila?

"Si Mark, siya ‘yong pinaka-close ko na lalake sa StarStruck or sa showbiz. Noong after kay Bullet, lagi kaming magkasama. Hindi kami dumating sa naging kami, pero parang sweet lang kami sa isa't isa, ganun. Palagi kasing sa kanya ako nagsusumbong!" natatawa niyang pahayag.

Kailan naman kaya ulit mai-in love si Katrina?

"Ayokong madaliin," pakli ni Katrina. "Ngayon natuto na ako... Kung mahal ka nung guy, kahit hindi mo siya hanapin, kahit focused ka sa work mo, nandiyan lang siya, e. Huwag ‘yong kahit hindi ka pinapansin, nandiyan ka pa rin. Ibig sabihin nun, hindi ka pala gusto. Parang pinipilit mo ‘yong sarili mo sa tao. Kapag nakita mo nang wala namang effort, hindi ka mahal nun."

Dagdag ni Katrina, ang isa pang dahilan kung bakit ayaw pa niyang magka-boyfriend ulit ay dahil sa stress na idinudulot nito sa kanya. At dahil sa stress ay tinutubuan tuloy siya ng pimples.

Kuwento nga niya, sinabihan daw siya noon ng make-up artist niya na ang hirap niyang lagyan ng make-up dahil sa pimples niya.

"Ayoko nang magka-boyfriend kasi diyan ako nagkaka-pimples!" tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN