Ethel Booba and Alex Crisano: Is it really over?


One of the most controversial couples in Philippine showbiz, Ethel Booba and Alex Crisano, finally ended their roller-coaster relationship.


Napaluha ang comedienne na si Ethel Booba nang mapanood ang video ng first guesting nila ng dating boyfriend na si Alex Crisano sa Homeboy. Ito ay naganap nang mag-guest muli si Ethel, this time without Alex, sa daily morning show ni Boy Abunda sa ABS-CBN.



Pero nakuha pang magbiro ni Ethel na dapat daw ay may hawak siyang pana para panain ang dating live-in partner. Sabay dito ang pagdaloy ng kanyang mga luha na tinawag nitong "tears of joy."

Ayon kay Ethel, hindi raw kasi niya akalain na isang araw paggising ay wala na si Alex. Pero itinuturing pa rin niyang blessing in disguise ang nangyari dahil wala na raw siyang nararamdamang pag-ibig para sa dating live-in partner.



"Sa aming pagtulog ay hindi na kami magkadikit. May distansiya na kami at halos nalalaglag na nga kami sa kama. Maniwala ka ba na may mga gabing natutulog siya sa sahig, iniiwanan akong mag-isa sa kama? Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko siya sinusuyo," kuwento ni Ethel nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng taping ng Homeboy.



Inamin din ni Ethel na noong unang linggo ng Mayo sila naghiwalay ni Alex dahil nagkasawaan na sila dulot ng sobrang pagiging close nila. Hindi na rin daw naging special para sa kanila ang nakaraang Valentine's, hindi gaya noon na nagse-celebrate pa sila ng kanilang monthsary.

Ayon kay Ethel, "Nararamdaman ko noon sa kanya na nagsasawa na siya, pero nahihiya naman ako na maunang magsabi sa kanya. Tinanong pa nga niya ako kung mahal ko pa siya, sabi ko ‘of course.' Pero ang totoo niyan ay hinihintay ko na siya ang magsabi na maghiwalay na kami."



Maganda ang naidulot ng pagkawala ni Ethel sa limelight noong nakaraang pangangampanya dahil nagkaroon daw siya ng pagkakataong mag-isip.

"Nagalit pa nga siya [Alex] dahil hindi ko na sinasagot ang kanyang mga text. Nararamdaman ko na kasi na di ko na siya nami-miss. Sabi ko nga sa kanya, bigyan niya ako ng time and I need space," pahayag ni Ethel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kuwento pa ng comedienne, lahat daw ng kanilang pag-uusap ay idinadaan nila sa text messaging. Kung tumatawag naman daw si Alex sa kanya ay palagi niya itong nire-reject dahil hanggang maaari ay ayaw nitong makausap ang dating live-in partner.



"Hindi ko alam, pero feeling ko, mabobola ulit ako!" natatawang sabi ni Ethel. "Kaya ganun na lang ang ginawa ko para matapos na lang. Sabi nga niya, e, mutual lang ang nararamdaman naming dalawa at hindi naman mabigat sa dibdib ko. Ang pakiramdam ko kasi, gusto niya sa akin manggaling ang paghihiwalay namin."

Pero, ayon kay Ethel, ang lumalabas na nag-initiate ng kanilang break-up ay si Alex dahil tinanong niya ang comedienne kung hindi na siya mahal nito. "Yes, I don't love you anymore" naman ang isinagot ni Ethel.

Sa kabila ng kanilang breakup, nagti-text pa rin daw sa kanya si Alex. Tinatanong din daw siya ng dating player ng Ginebra kung may bago na siyang boyfriend, na sinasagot naman ni Ethel ng "wala pa."

Dagdag ni Ethel, "Sabi ko naman, ‘How about you?' Maggi-girlfriend lang daw siya kapag mayroon na akong boyfriend."



Sa ngayon ay hindi na iniisip ni Ethel kung magkabalikan pa silang dalawa ni Alex, lalo ngayong hindi niya raw ito nami-miss. Posibleng nagka-trauma na rin si Ethel dahil nabanggit nitong ayaw na niya sa Fil-Am dahil sa cultural differences.

"Iba ang paniniwala nila," sabi niya. "Sa kanila, kapag kasal na ang babae o lalaki sa kanilang partner ay di na sila obligado na tumulong sa kanilang mga magulang. Ang paniniwala nila, kapag umabot ka na sa edad na 18 ay bahala ka na sa buhay mo, tumayo kang mag-isa. Pero hindi puwede sa akin 'yon dahil di niya alam ang pinagdaanan ng pamilya ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN