Angel Locsin turns down "Marimar"?


Young actress Angel Locsin has reportedly turned down an offer to play the title role in Marimar. Her manager, Becky Aguila, says that it's better to ask Angel herself when she gets back from China.


Magtatapos na ang Asian Treasures nina Robin Padilla at Angel Locsin this month sa GMA-7. After a series of action and action-fantasy soaps starting with Mulawin, then Darna, then Majika, at ito na ngang Asian Treasures, nagpasabi na si Angel na kung puwede sana ay wala nang bahid ng either action or fantasy ang kanyang next show sa Kapuso Network.

Nabili ng GMA-7 ang rights ng Marimar, ang pinakasikat sa Maria trilogy ng Mexican actress-singer na si Thalia, na unang ipinalabas sa RPN-9. Marimar ang in-between soap ni Thalia sa Maria del Barrio at Maria Mercedes. Dito rin unang sumikat si Thalia sa bansa na siyang dahilan para bilhin naman ng ABS-CBN ang Rosalinda, isa ring record-breaker sa primetime ratings.

Ang Marimar dapat ang next project ni Angel at balitang si Dingdong Dantes naman ang makaka-partner niya.

Sa burol ng publicist at entertainment writer na si Joey Diego una naming naitanong si Angel about this. At that time, reluctant talaga siya to accept the role dahil ang pagkakaalam niya, sumasayaw at kumakanta si Marimar. Hindi comfortable si Angel sa pagsayaw.

Still, nai-lineup na ng GMA-7 ang Marimar in its next primetime soaps, kasunod ng Impostora (na naipapalabas na), Mga Mata Ni Anghelita, at Shaider. Pero balita ngang tumanggi na si Angel.

Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kontakin si Becky Aguila, manager ni Angel, at si Angel mismo.

Nasa China pa si Angel sa kasalukuyan para sa taping ng Asian Treasures, although Becky has this text message to PEP: "Ask nyo na lang si Angel. Di lang kasi nagtutugma sa schedules. Not fair to keep GMA waiting. May timetable na sila for Marimar. Angel has to attend to her other commitments when she gets back in August. Best din siguro pagdating niya na lang kayo ask para straight from the horse's mouth."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakarinig naman kami na may audition daw na ginagawa o gagawin just in case Angel formally declines the project. Ang may pinakamalakas na ugong ngayon, gusto raw ipa-audition both sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte, ang Super Twins, for the role.



Ganito rin ang nangyari noon sa Darna ni Angel. Kahit si Angel na ang sinasabing gaganap sa Darna, nagpa-audition pa rin for the role ang GMA-7 just in case hindi makahabol si Angel dahil ginagawa pa niya noon ang Mulawin at ang Darna ang magiging replacement show nito. In the end, si Angel pa rin ang nagwagi.

Katulad din kay Richard Gutierrez sa Captain Barbell. Hesitant at first si Richard na gumanap na Captain Barbell dahil nagsunud-sunod din ang action-fantasy shows niya and he was doing Sugo at that time. Sa bandang huli, siya pa rin ang naging Captain Barbell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN