Judy Ann Santos talks about her father


It's very rare for young superstar Judy Ann Santos to talk about her father, Manuel Santos. And in this rare instance, PEP was there to listen to what she said.


Sangkaterbang sorpresa ang mangyayari sa concert na Bida ng Buhay Ko: 20 Years of Judy Ann Santos sa Araneta Coliseum sa June 16 as Judy Ann Santos celebrates her 20th anniversary in showbiz with a bang.



Juday spent one afternoon with her friends from the media yesterday, June 7, kung saan marami pang nalaman tungkol sa young actress in her 20 years sa showbiz. Inusisa si Juday sa 20 highlights ng kanyang career, pati na ang downside nito.

JUDAY'S FATHER. Bihirang mabanggit sa mga interviews o write-up kay Juday ang kanyang ama na si Manuel “Manny Boy” Santos. Palagi kasing ang ina ng young actress na si Carol Santos ang kasa-kasama ni Juday sa kanyang mga lakad at pati na nga sa isang TV commercial.

Matagal na kasing hiwalay ang mga magulang ni Juday. Ang kanyang ama ay naninirahan na sa United States, kasama ang pangalawa nitong pamilya. Ito ang dahilan kaya inusisa ng PEP si Juday tungkol sa kanyang ama.

"Maliit pa ako noong maghiwalay sila ni Mama, three years old lang yata ako,” panimulang sabi ni Juday. “There was a time, naalala ko lang, ang lakas ng iyak ko noong akala ko, aalis silang dalawa. Iyak ako nang iyak at tawag ako nang tawag kay Mama. Noong sabihin niyang ihahatid niya lang si Daddy ko, tumigil na ako ng iyak. ‘Ah, okay.’ Kasi umaalis noon si Dad and mas close siya sa Kuya [Jeffrey Santos] at Ate [Jackie Santos] ko. Kaya sa mga pics, sila 'yong nakakasama."

Kuwento pa niya, "The first time na nagkita kami after 10 years na maghiwalay na sila ni Mom, mag-isa akong papunta noon sa Canada and first time ko mag-travel. Immigrant na ako noon. May journal pa ako noon about that meeting. I was 14 lang siguro.

“E, usually, ang stopover papuntang Canada, iba. Kung bakit ang naging stopover ko was in LA [Los Angeles]. Two hours ako sa airport kaya tumawag ako kay Kuya and sabi niya, pupuntahan ako doon ni Daddy. And dumating nga siya with his new wife and two boys."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naramdaman niya nang makita niya ang kanyang ama kasama ang bago nitong pamilya?

"Ang weird!" sagot ni Juday. "Kasi, ang alam ko, ako na ang bunso, e. Tapos nakita ko 'yong dalawa niyang anak na mas bata siyempre sa akin. Pero mas namayani pa rin 'yong pagka-miss ko sa kanya. Yakap, iyakan kami. Nasa foodcourt kami ng airport noon.

"Binigyan niya ako ng pocket money. Five-hundred dollars yata. Pero tinanong niya muna ako kung what I wanna buy. Kaya lahat ng mahal doon sa Disney store, pinabili ko and naka-worth $400 yata siya. Card naman, e,” natatawa niyang kuwento.

Saan nagwo-work noon ang Dad niya?

"Ang alam ko noong una, manager siya sa Hyatt. Tapos sa Holiday Inn," sabi ni Juday. "Tapos, he managed din a lot of Pollo Loco branches. Now, he's in Monterey, California na. And every time naman na mapapadpad ako doon, nagkikita naman kami.

“If there's one thing I regret with what happened, is not being able to spend sometime with him. Although sa isang banda, now ko na-realize na talagang things really happen for a reason. Kung hindi naman sila nagkahiwalay ni Mommy noon, malamang na hindi ako magiging ganito ka-independent up to now. Okay na rin.

“Now, para lang kaming barkada. Na I can still tell him naman things I wanna tell him. His absence made me, pati mga kapatid ko, stronger. Kasi noong elementary ako, ang Kuya Jeff ko na ang nagpaaral sa akin. Noong mag-high school ako, sinuportahan ko na ang sarili ko. Nasa showbiz na kasi ako that time, e."

THREE ADVISERS. Tinanong din ng PEP si Juday tungkol sa mga naitatak na advice sa kanya tungkol sa showbiz ng tatlong importanteng tao sa buhay niya. Isa ang kanyang ina na si Carol Santos, ikalawa ang manager niyang si Alfie Lorenzo, at ang ikatlo ay ang isang espesyal na tao sa kanya, not necessarily her boyfriend Ryan Agoncillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ang advise ni Mommy sa akin, na hanggang ngayon dala-dala ko, ay ‘yong sinabi niya sa akin na kahit na nasa showbz na raw ako, huwag akong maging o magpaka-showbiz pa. Huwag ko raw ipapasok sa ulo ko ang ka-showbiz-an.



"Si Tito Alfie naman keeps on advising me to take good care of myself at siyempre, ang career ko. Sa kanya ako natuto kung paano mag-budget ng pera ko. Sa kanya rin ako natuto kung paano mag-invest. At 'yong isa ring outstanding na advise niya sa akin ay ang pag-aralan ko kung sino ang mga taong gumagamit o gagamit lang sa akin. Na siyempre, up to now, hirap pa rin akong malaman 'yon dahil hindi talaga madali. Pero at the back of my mind, every now and then ko itong iniisip.



"Sa isang espesyal na tao, I would say it's Ate Sharon [Cuneta]. Marami na akong nakasama at nakilalang senior stars sa akin at nagbibigay din naman ng mga advise nila. Pero if there's one person na talagang I learned so much, I would say it's Ate Sharon.

"Kasi, love na love ko siya noon pa. Noong magkasama kami [sa Magkapatid], lalo kong naramdaman ang pagiging sister niya sa akin. Especially sa pakikisama rin sa mga tao sa paligid ko. Never ko raw na kakalimutan ang pamilya ko. 'Yong hindi ka basta magtitiwala at padadala sa emosyon mo. It's an ongoing thing, 'yong pagiging adviser niya sa akin. Kaya ang sarap na merong mga matitibay na mga tao sa likod mo."



BEAUTY ENHANCEMENT. Napakaraming mga bagay pa ang napag-usapan with Juday. Nang mapadpad na siya sa mesa namin, na umulan na ng sangkaterbang biruan, may nagtanong kay Juday kung naniniwala ba siya sa pag-e-enhance ng beauty ng isang babae sa pamamagitan ng facelift at iba pang siyentipikong pamamaraan. May pumansin kasi sa pagiging blooming ni Juday ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman maiaalis sa mga babae 'yon, di ba?" sabi niya. "Part ng pagiging banidosa. Sabi ko nga noon, gusto kong patangusin ang ilong ko, e. Kasi feeling ko, para akong button-nosed. Dati, gusto ko ring ipatapyas ang magkabilang pisngi ko. Kasi nga, di ba, siopao ang tawag sa akin? Pero now, hindi ko na kailangan, di ba? Mas maganda pa rin 'yong beauty comes from within."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN