Iza Calzado defends Sunshine Dizon against intrigues


"Never akong nagkaproblema kay Sunshine, kaya kahit intrigahin kami, wala sigurong mangyayari," says Iza Calzado (right) about her Impostora co-star Sunshine Dizon (left).


Totoong kaibigan si Iza Calzado para sa co-star niya sa Impostora na si Sunshine Dizon. Bago mag-preview ang pelikulang Blackout sa Unitel headquarters sa Makati, mayroong isang movie reporter na nag-comment na kesyo hindi naman daw kagandahan si Sunshine, pero bakit nagkakasunud-sunod ang mga proyekto nito sa GMA-7.



"Kaya lang, kung ida-down sana si Sunshine, not in front of me," nakangiting pakiusap ng magandang aktres. "Alam kong pinagkukumpara kami ni Sunshine at pinapag-away pa para lang sa publicity ng Impostora. Pero no way na maaapektuhan kami at magsasalita para lang lumala ang mga inimbentong isyu."



Wala na nga raw magawa ang iba kung hindi pag-awayin sina Iza at Sunshine, pero hindi raw sila nagpapaapekto.



"Tinatawanan lang talaga namin ni Shine ang mga bagay na 'yan. Matagal na kaming nagkakasama sa mga telefantasya ng GMA-7, and we treat each other like sisters. Never akong nagkaproblema kay Sunshine, kaya kahit intrigahin kami, wala sigurong mangyayari," napapailing na sabi na lang ni Iza.



Ang isa pang iniintriga kay Iza ay parang hindi man lang yata siya na-link kay Robin Padilla samantalang magkasama sila sa digital film na Blackout. Lahat halos kasi ng naipapareha kay Binoe ay nagkakaroon ng kaugnayan sa kanya personally, pero kay Iza ay parang tahimik lang. Samantalang ipalalabas na nga ang pelikula sa mga sinehan this June 13.



"Paano naman kami mali-link kung dalawang araw lang kaming nagkita sa set?" natatawang sambit ni Iza. "Mabilisan ang shooting namin. Ngaragan. Halos hindi na kami nagkakapansinan ni Robin, pero magaganda ang mga eksena namin sa pelikula. At saka trabaho lang talaga.



"I know Robin ever since, at kinakausap niya ako kung may time. Hindi naman suplado ang taong 'yan. Pero hindi siguro lahat ng leading ladies niya, kailangang ma-link sa kanya," depensa pa ni Iza.



Besides, wala na yatang ibang tinitingnang lalaki si Iza kung hindi ang non-showbiz boyfriend niyang si Jerry Garcia, na manager ng bandang The Speaks, na nagpasikat ng kantang "High."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Tumigil na kasi ako ng kasasalita about my lovelife," sabi ni Iza. "It's okay, inspiring, pero 'yon na lang kasi ang para sa akin. Kaya sana, maintindihan ako kung bakit hindi na lang ako magsasalita kapag lovelife ang itinatanong sa akin."



Hindi rin daw niya ipangangalandakan ang relasyon niya para lang matakpan ang ibang isyu, gaya ng sinasabing isa raw siyang lesbiyana.



"Wala akong dapat patunayan. Sabihin na nila ang gusto, basta ako, mananahimik na lang at magtatrabaho," sambit ng magandang aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN