Jose Manalo and Wally Bayola survive on "H3O" without Gladys Guevarra


Comedians Jose Manalo (left) and Wally Bayola (right) continue hosting the gag show H3O, even after Gladys Guevarra (center) had to quit.


Magtu-two years na ang APT co-produced gag show sa QTV 11 every Monday na H3O, originally hosted by Gladys Guevarra, Jose Manalo, at Wally Bayola.

Aminado rin sina Jose at Wally na si Gladys ang pinaka-topbilled sa kanilang tatlo. Nang magdesisyon si Gladys na magpahinga sa Eat Bulaga! due to her back problems, nag-resign din siya sa H3O leaving her two male co-stars to continue the show.

"Noong una, nagtanong-tanong din kami sa production kung mawawala na rin ba ang show," sabi ni Jose in a meriendacena provided by the new QTV 11 PR head Jojo Aquio last Thursday sa GMA-7.

"Sabi sa amin, steady lang muna kami, tuloy pa rin muna. Si Gladys kasi, may fans na talaga. Kami naman, ngayon pa lang nakakaalagwa sa Eat Bulaga! nang nagsu-show na rin kami sa Zirkoh. Tapos, marami sa mga popular skits namin, like ang lola at kambal [si Gladys ang lola at sina Jose at Wally ang kambal], hindi muna namin magawa dahil wala nang lola."

Nang nag-stabilize pa rin ang ratings ng H3O, the production decided to continue the show. Magtu-two years na ang QTV 11 this November and sa original lineup of the sister station ng GMA-7, tanging ang H3O, Moms, at Ay, Robot! na lang ang on-air pa rin.

"Siguro natanggap na rin kami ng audience. Buwan-buwan naman may female co-star kami, una si Rufa [Mae Quinto] at ngayon nga si Tuesday [Vargas]," sabi ni Jose.

Sa ngayon, sa mga nightly shows na lang nila sa Zirkoh Bar nakikita si Gladys. Wala namang ill feelings sa tatlo dahil naintindihan nila ang reason ni Gladys for leaving.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN