Alvin Patrimonio's son has yet to meet Kris Aquino in person


Angelo Patrimonio, son of basketball great Alvin Patrimonio, has not yet met Kris Aquino, with whom his father once had a relationship.


Hiya at pagkailang ang magiging dahilan kung kaya kapag nagkita nang personal ang young star na si Angelo Patrimonio at si Kris Aquino, hindi lalapit ang anak ng retired basketball superstar na si Alvin Patrimonio sa TV host-actress, na dating nakarelasyon ng kanyang ama.

Although hindi pa naman nangyayari na nagkasalubong or nagkaharap nang personal sina Angelo at Kris, sinabi ng young star sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na mahihiya siyang maunang bumati or magpakilala kay Kris. Nakapagtataka ngang kahit sa iisang TV network sila nagtatrabaho—sa ABS-CBN—ay hindi pa gumagawa ng paraan ang tadhana na magkita sina Kris at ang anak ni Alvin.

Kung matatandaan, may nakaraan at naging bahagi ng buhay ng bawat isa sina Kris at Alvin noong kabataan nila. Kaya naman nang pasukin ng binatilyong anak ng four-time Most Valuable Player ng PBA ang mundo ng showbiz, madalas na nagiging bahagi ng topic ng pag-uusap at interview sa bagets si Kris.

Marami nga ang naghihintay na magkakilala na ng personal finally sina Kris at Angelo, pero hindi pa ito nangyayari.

Ayon sa teen male star, nararamdaman niyang hindi siya magkakalakas ng loob makipagkilala kay Kris. Puwede raw mangyari ‘yon kung may ibang tao na magpapakilala sa kanila sa isa't isa.

Bahagi si Angelo ng teen-oriented show na Abt Ur Luv (Ur Lyf 2) ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN