Nancy Castiglione reveals why she broke up with Brad Turvey


"Kung ano ‘yong pinaparamdam niya sa akin noong magkaibigan pa lang kami, hindi ko ‘yon naramdaman noong naging kami. Kaya up to now, I don't know what's inside his head and what he really felt for me during our relationship," says Nancy Castiglione about her breakup with Brad Turvey.


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kakahiwalay lang sa boyfriend na si Nancy Castiglione sa pictorial nito ng bago niyang ini-endorse na Mares, isang Italian brand of scuba diving equipments. Nakuha si Nancy bilang endorser ng women's line ng She Dives.



Naging open si Nancy sa nangyari sa kanyang relationship with Brad Turvey. May isang buwan na palang natapos ang relasyon nila, pero kamakailan lang ito kumalat sa media.



Sinabi ni Nancy na siya ang nakipag-break kay Brad dahil pakiramdam niya ay umaayaw na ang Australian model-actor sa kanilang relasyon, pero hindi raw ito nagsasalita.



"Before Brad and I got into this relationship, we were friends for five years," sabi ni Nancy. "I knew him as a friend and we really clicked. But when we started this relationship, something changed.



"Kung ano ‘yong pinaparamdam niya sa akin noong magkaibigan pa lang kami, hindi ko ‘yon naramdaman noong naging kami. Kaya up to now, I don't know what's inside his head and what he really felt for me during our relationship."



Ang problema raw kay Brad ay hindi alam ni Nancy kung ano ang nasa isipan nito. Nagsawa na raw si Nancy sa kakahula kung ano ang nararamdaman nito para sa kanya.



"I was already tired trying to save our relationship and trying to understand him. I wish I knew what his problem was. But I don't get any response from him. Hindi ako manghuhula," sabi niya.



"Noong umalis nga ako for a month to visit my family in Canada, I was so worried all the time because the whole time that I was in Canada, he only texted me once. And that was it. I tried to contact him but he didn't answer me.



"Kaya napapraning ako," patuloy niya. "I'm scared na kapag umuwi ako, baka wala na akong boyfriend. Naguguluhan ako talaga sa kanya. And when I got home, I tried talking to him but eventually, I gave up. Babae lang ako and I can only take as much pain."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Isang reklamo pa raw ni Nancy kay Brad ay kulang daw ito sa lambing. Nasa personality kasi ni Nancy ang maging very showy sa kanyang emotions, kahit na in public. Pero si Brad daw ay tila very cold at hindi raw kumportable sa PDA or Public Display of Affection.



"I can't blame Brad for being that way. I guess he grew up with that kind of personality. Pero as his girlfriend, sana naman he would have given it some effort.



"Kasi if we want a relationship to work, we should learn how to accept each other's personalities. That really disappointed me. Now I'm starting to ask myself kung minahal niya ba talaga ako?" ani Nancy.



Marami pang kuwento si Nancy tungkol sa ilang problemang sinapit ng relasyon nila ni Brad at kung sino ang dine-date nito a few days lang after nilang naghiwalay.



Naging open din si Nancy sa bago niyang inspirasyon, ang underwater photographer na si Gutsy Tuason. Sinagot din ni Nancy ang tsismis na nabuntis daw siya kaya umuwi siya sa Canada para gawan ito ng paraan.



Lahat ng mga ito ay sasagutin ni Nancy mamaya sa Showbiz Central ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN