Ruffa Gutierrez files petition for divorce from Richard Daloia


A Nevada County website says that one Sharmaine Gutierrez filed a petition for divorce from Richard Daloia on June 1, 2007.


Sa isang exclusive report sa 24 Oras, June 11, nakita namin ang isang record sa Nevada County website na nagsasabing nag-file ang isang Sharmaine Gutierrez ng diborsiyo para mapawalang-bisa ang kanyang kasal kay Richard Daloia. Ayon sa record, nai-file lang ito noong June 1, 2007.

Sharmaine Ruffa Gutierrez ang tunay na pangalan ng actress-beauty queen-TV host na si Ruffa Gutierrez.

Base sa report ng GMA News, ito ang mga araw na nagpunta si Ruffa, kasama ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice, at inang si Annabelle Rama, sa Las Vegas at Los Angeles. May footages pa nga sila ng kanilang pagliwaliw sa Disneyland.

Pero ayon kay Ruffa, na-file na raw niya ang petition for divorce noong year 2000 at nagpunta lang siya kamakailan para i-follow up ito.

"I filed already last Year 2000 and then I just followed it up para mas maging mabilis ang proseso," paliwanag ni Ruffa.

"I had to straighten things up, you know, kasi ngayon my main focus talaga is just to move on with my life. You know, tapos na ako sa paghe-hurt, tapos na ako sa pag-iiyak. Ngayon matatag na ako."

May 2000 nang magkakilala sina Ruffa at Yilmaz sa Cannes Film Festival sa France. Kung tutuusin, isang taon at limang buwan pa lang kasal si Ruffa kay Daloia noon. Noong May 25, 2003 naman ay pinakasalan ni Ruffa si Yilmaz dito sa Pilipinas. Pagkatapos nito ay nagkaroon pa sila ng Muslim wedding sa Turkey.

Ayon kay Ruffa, alam daw ni Yilmaz ang tungkol sa kanyang unang pagpapakasal. Pero sa phone-patch interview ni Yilmaz sa GMA News, itinanggi nito na alam niyang kasal si Ruffa dati. Kung alam daw niya ito, kahit maging girlfriend ang beauty queen-actress ay hindi niya gagawin.

"No, I'm not sure I'm the second husband, that I can be third or fourth, I don't know, before 1999. But after 1999, looks like she has two husbands. Although, she's blaming me... I think she [should] start blaming herself and one woman changes two husbands or not," pahayag ni Yilmaz sa 24 Oras kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung matatandaan, nagpadala si Yilmaz ng isang statement dati na nagsasabing iisang babae lang ang pinakasalan niya, si Ruffa. Ito ay lumabas nang kasagsagan ng balitang may anak siya sa isang dating karelasyon.

Dahil dito, posibleng idemanda ni Yilmaz si Ruffa.

"Even if I'm not suing her after this moment, Turkish government will gonna sue her because also when she signed she's lying. She say she's not married. She's saying that and plus when she get married with me, she's still married," sabi ni Yilmaz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN