Judy Ann Santos and Jolina Magdangal co-star in their first horror film


Jolina Magdangal (left) and Judy Ann Santos (right) co-star in the horror flick Ouija, which is also the first movie of Juday for GMA Films.



Napapadalas na ang guesting ng young superstar na si Judy Ann Santos sa GMA-7.

Matapos ang birthday celebration niya last May, muling nag-guest sa SOP si Judy Ann last June 10. Promo naman ng pelikulang Ouija ang ipinunta ni Judy Ann sa naturang Sunday musical variety program ng Kapuso Network.

Isang song-and-dance number together with good friend and Ouija co-star Jolina Magdangal ang ipinamalas ni Judy Ann sa SOP.

After their number, during an interview with hosts Janno Gibbs, Regine Velasquez, and Jaya, nagbiro si Janno na kung sino kaya kina Juday at Jolens ang mauunang ikasal. Agad sumagot si Juday na si Jolina ang mas mauunang lalagay sa tahimik.

Pero biglang humirit si Regine sa usapan at sinabi nitong baka mauna pa siyang ikasal sa dalawang young actresses. Sa mga hindi pa nakakaalam, umamin na sina Regine at Ogie Alcasid ng tunay nilang relasyon.

Going back to Juday and Jolens, pareho silang masaya sa kani-kanilang lovelife; si Juday kay Ryan Agoncillo at si Jolens kay Bebong Muñoz. Incidentally, parehong may cameo roles sina Ryan at Bebong sa Ouija.

Maraming first time sa pelikulang Ouija.

First movie ito ni Juday sa GMA Films, first horror film nila ito ni Jolina, first time together din nila in a full-length movie (nagkasama sila noon sa pelikulang Gimik: The Reunion, although guest lang doon si Judy Ann), at first time din nilang makakatrabaho ang direktor na si Topel Lee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN