Brad Turvey spotted with non-showbiz date


Actor-model Brad Turvey was caught with a non-showbiz girl during the premiere night of a Hollywood film.


Sa premiere night ng Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer kagabi, June 11, sa TriNoMa Cinema, nagulat kami sa tumawag sa amin bago kami pumasok sa sinehan—a very healthy Aleck Bovick together with partner Carlo Maceda.

Paglabas, nagulat na naman kami sa tumawag sa amin na hindi namin agad nabosesan dahil madilim pa, si Brad Turvey pala.

Brad was with a non-showbiz lady.

We thought na baka nakasabay lang ni Brad palabas ngunit nakita pa rin namin sila na magkasama hanggang sa labas ng sinehan. Nang lumabas na kami sa smoking area, magkasama pa rin ang dalawa. Nginitian namin si Brad at mas malaking ngiti ang isinulki niya sa amin.

"Don't give me that kind of smile," sabi niya, as if confirming our unspoken question kung ang ka-date niya ba ang siyang ipinalit sa ex-girlfriend niyang si Nancy Castiglione.

Pagbaba nila sa elevator, maganda ang pag-alalay ni Brad sa girl, like that of someone with a relationship.

Pagkatapos ng break-up nina Brad at Nancy, unang nabalitang may bagong karelasyon si Nancy—ang underwater photographer na si Gutsy Tuason. Ang kasamang babae kaya ni Brad ang patunay na nakapag-move on na rin siya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN