PEP EXCLUSIVE: Marc Leviste debunks charges of his former driver-bodyguard


"That's false and malicious. It's baseless," says Batangas Vice Governor Marc Leviste, in photo with wife Ann Leviste.



Pinabulaanan ng bagong halal na vice governor ng Batangas na si Marc Leviste ang akusasyon ng dati niyang driver-bodyguard na si Edward Ronquillo, na nagkarelasyon diumano sila ng asawa ni former ParaƱaque Vice Mayor Anjo Yllana na si Jackie Manzano Yllana.

"That's false and malicious. It's baseless," mariing sabi ni Vice Gov. Leviste nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kaninang hapon, June 13.

Pero inamin ni Leviste na kakilala niya si Jackie. Magka-schoolmate daw sila noon, pero hindi sila nagpang-abot. Ayon pa sa 29-year-old politician ay na-meet na niya ang asawa ni Jackie na si Anjo sa isang golf course sa Lipa.

Bukod kay Jackie ay iniugnay rin ni Ronquillo si Leviste sa mga sexy stars na sina Diana Zubiri at Maui Taylor.

"That's a big lie and sensational," sagot ni Leviste sa testimonya ni Ronquillo na nadala na diumano ng batang politician sina Diana at Maui sa motel at hotel.

Ayon pa kay Leviste, hindi pa raw niya nakikita nang personal si Diana kundi sa TV lang. Tumawag pa diumano sa kanya ang manager ni Diana na si Jojo Gabinete, a PEP contributor, at sinabi raw nito sa kanya na hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ng dating empleyado ni Leviste.

Tungkol naman kay Maui, sinabi ni Leviste na: "Last time ko nakita si Maui sa Batangas. Nag-guest siya sa amin sa town fiesta."

Sa ngayon ay wala raw aksiyon na gagawin si Leviste laban kay Ronquillo. Ayaw na raw niyang patulan ang isyu dahil feeling niya ay nasisiraan na ng ulo ang kanyang dating driver-bodyguard. Willing pa diumano siyang tulungan ang dating diver na maghanap ng psychiatrist na makatutulong dito.

May asawa't mga anak na si Marc. Kasal siya kay Ann Leviste at mayroon silang tatlong anak, na ang ang bunso ay kakasilang pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Marc ay dating Board Member ng Batangas at pamangkin ni Tony Leviste, na dating asawa ni Senator Loren Legarda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN