Ricky Davao denies depriving his father financial help


"After mailabas siya, hindi pa kami nagkikita. Hindi ko pa siya nadadalaw. So I don't know where he is right now," says Ricky Davao (left) about his dad, Charlie Davao (right).


Isa sa pinakamaagang dumating ang actor-director na si Ricky Davao sa premiere night ng independent film na Paraiso, na ginanap sa Centerstage cinema, Mall of Asia, June 12. Si Ricky ang nagdirek ng isa sa tatlong episodes ng Paraiso, ang kuwento ni "Marie," starring Cesar Montano. Dumating din si Cesar who made his first public appearance pagkatapos matalo sa pagka-senador nitong nakaraang eleksiyon.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ricky ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang ama na si Charlie Davao. Kamakailan ay may kumalat na balitang nasa malalang kundisyon ang kanyang ama habang naka-confine sa isang ospital.

"Paano ninyo nalaman ‘yon?" gulat na tanong ni Ricky.

Pero sinagot din nito ang aming tanong at sinabing, "Okay na siya. Nakalabas na siya ng hospital."

Inatake sa puso si Charlie at mabilis na kumalat ang balitang wala raw sa kanyang mga anak ang tumulong financially sa pagpapagamot. Pinabayaan na diumano ang character actor sa ospital ng kanyang mga anak, kabilang si Ricky, at hindi makabayad sa kanyang pagpapagamot.

"That's not true," mariing tanggi ni Ricky. "Pero naoperahan nga siya. He stayed at the hospital for two weeks. Nagpa-angioplasty operation siya. But that was last month pa." (Ayon sa wikipedia, angioplasty is the surgical widening of a narrowed or totally obstructed blood vessel.)

Nagkita na ba sila ulit ng kanyang ama?

"After mailabas siya, hindi pa kami nagkikita. Hindi ko pa siya nadadalaw. So I don't know where he is right now," pag-amin ni Ricky.

Tinanong din namin si Ricky tungkol sa hindi pa rin mamatay-matay na isyu na hiwalay na raw sila ng asawa niyang si Jackielou Blanco. Ayon kay Ricky ay magkasama pa rin daw sila sa iisang bahay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN