EXCLUSIVE: Yilmaz Bektas: "I will not do any legal or illegal attack on Ruffa and her family."


"All I want is for both of us to come out of this ugly situation now. I hope it's very easy to do, but it's not. Right now I am cooling back from media. I am cooling back from Ruffa. I need space," says a much calmer Yilmaz Bektas about Ruffa Gutierrez.


Tulad ng marami, ilang linggo na rin naming sinundan ang Ruffa Gutierrez-Yilmaz Bektas saga. Bawat statement, dokumento, at interview— pati side comments ng ilang tao—all of them were noted down para siguradong walang ma-miss sa tila puzzle na ito.

Sa dinami-dami ng mga ipinadalang statements (sa email, phone patch, at taped interview), aaminin namin, we felt so frustrated at some point dahil ni minsan ay hindi pa namin nakakausap si Yilmaz para makunan ng pahayag. Isa kami sa unang mga tao na naghintay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang nabalitang darating siya rito sa Pilipinas noong nakaraang buwan—hindi biro ang limang oras kang nandoon.

Pero nagulat kami nang nakatanggap kami ng tawag mula sa entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal kahapon, June 14. Tinanong niya kami kung okay lang daw ba na tawagan kami ni Yilmaz dahil may ilang bagay raw itong gustong linawin. Though we did not know kung ano pa, bakit naman hindi, sabi namin.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nag-ring ang cell phone namin. It was Yilmaz. We doubted at first, pero sa dinami-dami na ng interviews kung saan narinig namin ang boses niya, we knew it was him.

In his very thick Middle Eastern accent, he greeted us and politely asked if we can spare a few minutes with him on the phone. He declined the idea of taping our conversation, pero pumayag siyang isulat namin ang napag-usapan namin.

Kasalukuyan siyang nasa Madrid, Spain kagabi, June 14, patungong airport. Mamamalagi raw siya sa New York ng ilang araw para ayusin ang ilang bagay at makapagpahinga na rin.

REALIZATION. Mahinahon si Yilmaz nang makausap namin. Ibang-iba sa mga interviews niya kung saan maririnig o makikitang nagpupuyos siya sa galit.

"I am trying to control my anger now. I realized nothing can [be] resolved because I am angry," ayon sa dating asawa ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado rin siya na hindi tama ang mga ipinakita niyang galit sa publiko nang nakaraang mga araw. Ito raw ay isang pribadong bagay na dapat ay pamilya niya lang ang nakakakita.

Ipinunto rin niya na isa siyang businessman at hindi artista o pulitiko para ilabas ang bawat aspeto sa buhay niya sa diyaryo at telebisyon. Isa raw ito sa mga bagay na pinagsisihan niya.

Ikinuwento rin ni Yilmaz nang may nakasalubong daw siyang ilang mga Pilipino sa Madrid kahapon. Sinabi raw ng mga ito na sana ay maayos na nila ni Ruffa ang mga usapin. Matindi raw ang tama sa kanya nito. Dito raw niya na-realize kung gaano na kalaki ang away nila ni Ruffa.

HELLO, DOLLY. Nilinaw ni Yilmaz na may contact nga sila ni Dolly Anne. Umikot kasi ang tsismis kahapon na idinenay raw ni Yilmaz na kilala niya ang kolumnista.

"Of course I know her. Of course, I will not deny that I am talking to Lady Dolly. I trust her," sabi ni Yilmaz tungkol kay Dolly Anne.

"I even invited her to my birthday party in France only because I invited all my friend journalists from around the world. Even you can come and celebrate with me.

"Even if she writing bad things about me, I understanding her because that's her job," ani Yilmaz.

ROLLER COASTER AND CEASEFIRE. We dared to ask him, bakit parati siya nagbabago ng statement? Minsan mahal niya si Ruffa, next minute kinasusuklaman niya naman ito.

"I don't change what I say," paglilinaw niya. "If you look back from three months ago when this started, I never changed my statement. The thing that is changing is my anger. Sometimes I am high in anger, sometimes I miss Ruffa and my two children. Next time I am high in anger again because I know I don't see her face to face. I don't see my kids face to face."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado rin si Yilmaz kung gaano siya ka-frustrated sa mga pangyayari. Dahil daw rito kaya nakapagbitiw siya ng mga maaanghang na salita sa media. Malaking parte raw nito ay ang pagtanggi diumano ni Ruffa na makipag-usap sa kanya.

Una nang nagbanta si Yilmaz na idedemanda niya si Ruffa. Hindi na raw muna ito mangyayari sa lalong madaling panahon. Pero iginiit niyang hindi raw niya ito binabawi.

"All of us, my lawyers and everyone, are in stand-by position," sabi ni Yilmaz.

Pahuhupain daw muna niya ang galit sa magkabilang kampo para makapag-isip at makapag-usap sila. Naiintindihan ni Yilmaz na matindi ang pinagdaanan nila ni Ruffa nitong mga huling araw at hindi raw maganda na isama ang kanilang emosyon sa maaari nilang maging desisyon.

"If we keep on fighting and fighting, there will be no winners, only two losers," malungkot na pahayag ng Turkish businessman.

Sa puntong ito ay nagpaalam na si Yilmaz. Tutulak na raw siya papuntang New York. Sana raw ay magamit niya ang oras na ito para makapag-isip nang husto.

MESSAGE. Matapos ang ilang minuto ay tumawag muli si Yilmaz. Nakiusap itong magpahatid ng mensahe sa mga Gutierrez.

"I would like to tell Ruffa and mother Annabelle and Daddy Eddie that we all allow anger to subside. Anger poisons our blood and blinds our eye. When we are not high in anger anymore, I hoping that I talk to Ruffa face- to-face and we can decide what's best for our future. We have two children and their future should matter a lot," mahinahong sabi ni Yilmaz.

"I will not do, I repeat, I will not do any legal or illegal attack on Ruffa and her family. She's the mother of my children and I will not do that. All I want is for both of us to come out of this ugly situation now. I hope it's very easy to do, but it's not. Right now I am cooling back from media. I am cooling back from Ruffa. I need space. But there will come a time that we will talk face-to-face and decide what is best for our family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will come to Manila soon and talk to Ruffa. But again, when anger is not there anymore," pagtatapos ni Yilmaz.

Ayon pa kay Yilmaz, nag-uusap pa rin sila ni Ruffa hanggang ngayon, ngunit parati raw sa away nauuwi ang usapan nila araw-araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN