Chad Peralta and Panky Trinidad: What's the real score?


"Kung maging sila? I don't mind kasi mabait naman talaga ‘yang si Panky," says Chad Peralta's (left) mom about Panky Trinidad (right). The two Pinoy Dream Academy scholars are rumored to be playing sweet music together.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ina ni Chad Peralta na si Mrs. Josie Peralta para makakuha ng impormasyon tungkol sa diumano'y itinatagong relasyon ni Chad sa kapwa niya Pinoy Dream Academy (PDA) scholar na si Panky Trinidad.



Ayon kay Mommy Josie ay hindi rin naman daw nagsasabi sa kanya si Chad kung may relasyon sila ni Panky. Basta raw sa ikaliligaya ni Chad, magiging happy siya kahit sino pa ang babaeng magustuhan ng anak.



"Mabait si Panky at magandang bata," sabi ni Mommy Josie. "Nagkukuwentuhan kami niyan madalas kasi nga madalas silang magkasama ni Chad sa trabaho. Wala naman akong napapansin na kakaiba sa kilos nila, except talagang close silang lahat. Kung maging sila? I don't mind kasi mabait naman talaga ‘yang si Panky."



Hindi rin daw naniniwala si Mommy Josie na may ginawang hindi maganda sina Chad at Panky sa US noong Abril kaya sila nabigyan ng temporary suspension ng Dream Big Productions at ng ABS-CBN. Kilala raw niya ang kanyang anak at pinalaki raw niya ito nang maayos.

"I was shocked when news arrived sa akin na Chad got suspended kasi may ginawa silang hindi maganda sa States. I know my son at alam kong wala siyang gagawin na hindi tama. I called him up and he denied the accusation.



"Pero wala naman siyang magawa kundi ang sundin na lang ang mga may concern sa career niya. I simply told my son to pray and make the most out of the situation. God knows who is right and who is wrong," sabi ng ina ni Chad.



Mula naman kay Chad, sinabi ng singer na hindi niya totally tatalikuran ang showbiz gaya ng nababalita. Ayon sa kanya, dahil sa showbiz kaya natupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling album. Out na sa market ang kanyang debut album at mukhang okay naman daw ang sales nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I've been doing mall tours and radio tours. Maganda ang feedback ng album ko. Hopefully, many will get to like my music and accept me for my music," sabi ni Chad sa hiwalay na interview sa kanya ng PEP.



Si Chad ang pang-apat na PDA scholar mula sa Top 6 na nagkaroon ng studio album. Nauna sa kanya ang Grand Star Dreamer na si Yeng Constantino, sumunod ang runners-up na sina Jay-R Siaboc at Ronnie Liang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN