"StarStruck" Avenger Kiko Juinio falls for Jesi Corcuera


"Basta kung anuman siya, mahal ko siya. Tutulungan ko siyang maging babae talaga. Kung hindi man, patuloy ko pa rin siyang mamahalin," says Kiko Juinio (left) about Boys Nxt Door co-star Jesi Corcuera (right).



Si Kiko Juinio ang kauna-unahang natigbak sa 20 finalists ng nakaraang StarStruck: The Next Level, pero mukhang lulusot pa rin ito sa magandang break na ibinigay ng GMA-7 sa kanya sa pamamagitan ng bagong youth-oriented show na Boys Nxt Door.



Sa seryeng ito ay katambal ni Kiko ang co-Avenger niya na si Jesi Corcuera. Sa tunay na buhay ay hayagan na palang nililigawan ni Kiko si Jesi.

Si Jesi ay openly lesbian at hindi niya ito ikinaila sa pagsisimula pa lang ng nabanggit na reality TV artista search na kinasangkutan nila.



"Hindi ko minamadali si Jesi," sabi ni Kiko sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Willing akong maghintay. Kasi alam ko na hindi ganoon kadali na mata-transform siya, at hindi rin ako nag-e-expect.



"Basta kung anuman siya, mahal ko siya. Tutulungan ko siyang maging babae talaga. Kung hindi man, patuloy ko pa rin siyang mamahalin," sabi pa ni Kiko na ikinakilig ng marami sa press con ng Boys Nxt Door last June 14.



Ang alam lang ni Kiko, mahal niya si Jesi dahil sa likas na ugali nito at kabaitan. Maganda rin naman si Jesi at kung ang pagiging tomboy nito ang tatanungin, sinasabi ni Kiko na hindi ito magiging hadlang para maipadama niya rito ang kanyang tunay na saloobin.



Hindi kaya natsa-challenge lang siya na gawing babae si Jesi?



"I don't think so," mabilis na pahayag ng binata. "Kung challenge din lang, marami akong kaibigang babaeng gaya ni Jesi, magaganda rin talaga, pero mga pusong lalaki. E, di sana, noon pa, nanligaw na ako sa tomboy kung ganoon din lang ang iniisip ko.



"Mahal ko lang talaga si Jesi at siya ang gusto ko, kaya nililigawan ko siya. Hindi 'yon dahil sa natsa-challenge lang ako," paliwanag pa ni Kiko.



Na-develop lang daw talaga si Kiko kay Jesi. Maski noong nagsisimula pa lang sila sa StarStruck, hindi naman inisip agad ni Kiko na liligawan niya si Jesi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Actually, hindi si Kiko ang unang ka-batch nila sa StarStruck na nanligaw kay Jesi. Matatandaang nagpahayag din ng kanyang damdamin si Jan Manual sa dalagang may kilos at pusong lalake.



"Hindi na ako nahiyang sabihin pa sa kanya ang feelings ko. Mas lamang na bastedin niya ako dahil alam ko namang tomboy siya, pero parang hindi ganoon ang nangyayari. Binibigyan niya ako ng chance. Ang lagi kong consideration ay 'yong naririto ako dapat palagi sa tabi niya, lalo kung kailangan niya ako," napaka-romantic na pahayag ni Kiko.



Ngayon pa lang ay pinagmumulan na ng kilig ang kumbinasyong nabuo ng dalawang StarStruck Avengers. At saka kapansin-pansin nga na matino nang kausapin itong si Kiko at nailagay sa ayos ang porma nito.



"Wala naman akong ipinagbabago talaga, maliban sa kailangan kong mag-behave. Marami akong natutunan nang matanggal kaagad ako sa StarStruck. Marami akong dapat ayusin, at dapat mag-focus ako. Nanliligaw man ako sa ngayon, priority ko pa rin ang trabaho ko, pero masarap 'yong may inspirasyon.



"Natutuwa nga ako dahil kahit mapagbiro pa rin ako, okay lang sa mga katrabaho ko. Makulit ako kung minsan, pero tanggap na nila ako, kasi, nakikita nila na may patutunguhan naman ang mga ginagawa ko," nasabi na lang ni Kiko bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN