Julius Babao and Tintin Bersola accept their ouster from ABS-CBN's morning show


Celebrity couple Tintin Bersola and Julius Babao will no longer be seen daily on ABS-CBN's morning program.


Muling maninibago ang daily viewers na tumututok sa morning show ng ABS-CBN na Magandang Umaga Pilipinas (MUP) sa pagkawala ng mag-asawang Julius Babao at Christine Bersola sa bagong bihis na Umagang Kayganda na magsisimula na sa Lunes, June 25.

Ilang linggo bago sumabog ang balita sa pagre-reformat sa morning show ng Kapamilya Network ay naging samu't sari na ang mga intrigang naglabasan. Until finally, nakumpirma na mawawala na nga sina Julius at Tintin sa pagsisimula ng bagong edisyon ng morning show ng ABS-CBN.

Iniintriga ang mag-asawa sa kanilang pagkakaalis sa show. Bukod-tanging sina Julius at Tintin lang kasi ang natanggal as main hosts ng MUP. Sinasabi sa ibang balita na dahil diumano sa napakalaking talent fee ng mag-asawa kaya hindi na sila isinama sa pagre-reformat sa nabanggit na programa.

Nagko-cost cutting daw kasi ang network sa napakalaking gastos ng produksiyon sa show. At ang malaking talent fee ng mag-asawa diumano ang nasilip ng mga executives ang mabisang solusyon para magpatuloy na tumakbo sa ere ang programa.

Sa nakaraang celebrity premiere night ng Paraiso, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mag-asawang Julius at Tintin. Kabilang kasi sila sa mga die-hard advocates ng Gawad Kalinga na siyang nag-produce ng nasabing pelikula.

Kung ilang linggo nanahimik sina Julius at Tintin about the issue dahil they are bound under the Ethics Code ng News and Current Affairs department ng ABS-CBN, headed by Maria Ressa. Kaya't ingat na ingat sila na mag-comment about the issue. But fortunately, PEP managed to get some comments from the couple.

Inamin ng mag-asawa na naapektuhan sila nang magdesisyon ang management tungkol sa MUP. Pero wala naman daw silang magagawa kung iyon nga ang napagdesisyunan ng management. Hindi naman daw nila masyadong ikinalungkot ang balita.

"Well, we believe na it has a greater purpose and probably it's time for us to move on," sabi ni Tintin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Thankful pa rin ang mag-asawa sa opportunity na ipinagkaloob sa kanila to host the show for a long time.

And as a good soldier, sumusunod lang daw si Julius sa kung anuman ang desisyon ng management. Alam ni Julius na it was a good decision dahil hindi namin mapapasubali na maaaring sa ikabubuti rin daw nila ang nangyari.

"Naniniwala talaga ako na may maganda silang rason kung bakit nila ginawa ‘yon. Naniniwala ako sa kakayahan at pagiging fair ni Maria Ressa. Napatunayan ko ‘yon nung time na may malaking isyu rin sa akin noon ang government. And yet, ipinaglaban pa rin nila ako at sinuportahan ako ng management. Naglabas pa sila noon ng malaking ad sa isang leading newspaper na they stood by me at pinabulaanan nila ‘yong ibinibintang sa akin ng gobyerno," paliwanag ni Julius.



Ayon naman kay Tintin, " We fully trust Maria Ressa and the plans laid out for us."



Kaugnay nito, may balitang bibigyan ng magkahiwalay na bagong show sina Julius at Tintin ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN