Presidential candidates, Gabriela condemn Duterte's offensive rape joke

Apr 17, 2016
<p>Presidential candidates Sen. Grace Poe, VP Jejomar Binay and Liberal Party standard bearer Mar Roxas join the women's rights group Gabriela in damning Davao City Mayor Rodrigo Duterte's offensive rape victim joke, which is now going viral on social med

Hindi napigilan ng mga kapwa presidentiable contenders ni Davao Mayor Rodrigo Duterte na magbigay ng reaksyon at saloobin tungkol sa kumakalat na viral video na kuha sa isang political rally kamakailan kunsaan makikitang nagbiro si Duterte tungkol sa isang Australian missionary na naging biktima ng rape sa Davao noong 1989.

Unang nagpahayag si Senator Grace Poe ng kanyang pagkadismaya sa pamamagitan ng isang status post sa kanyang Facebook page.

Nanawagan ito ng suporta upang labanan ang pang-aabuso lalung-lalo na sa kababaihan.

Aniya, “As a woman, I take offense at the statement made by another Presidential candidate about rape.

“It is distasteful and unacceptable, and reflects the candidate's disrespect for women.

“No human being deserves to be raped and abused. Rape is a crime and no laughing matter.

“We should all be outraged at abuses committed against women.

“While some may seem impressed with the nonchalance and tough talking stance as portrayed by the candidate himself, he should be reminded that at all times, women, men and the LGBT alike should be treated with dignity and respect.

Continue reading below ↓

“Join me in my stand against abuse.”

Hindi rin pinalagpas ni VP Jejomar Binay ang kontrobersyal na paratang ng kanyang karibal.

Dahil dito, sinabi rin ni Binay na hindi karapat-dapat na maging presidente si Duterte.

Saad niya, “Hindi nakakatawa ang rape at murder ng isang babae.

“Mister Duterte, wala ka bang ina? Wala ka bang anak na babae?

Continue reading below ↓

“Your statement is simply revolting. Nothing can justify such callous remarks.

“Nanghinayang ka na hindi mo na-rape ang Australian lay minister.

“Pinagyabang mo na minolestya mo ang inyong kasambahay.

“You are a crazy maniac who doesn't respect women and doesn't deserve to be president.”

Continue reading below ↓

Para naman sa kay Liberal party presidential bet Mar Roxas, hindi gawain ng isang disenteng tao ang mambastos ng kababaihan.

Sabi niya, “Ang babae ay may karapatan, hindi pinaglalaruan. Hindi ito katatawanan. Kahayupan ito.”

Bukod sa tatlong presidentiables ay nagbigay rin ng reaksyon ang women’s group na Gabriela.

Continue reading below ↓

Nasabi ng Gabriela national vice chairperson Gert Libang sa interview sa kanya ng inquirer.net, “Rape is a serious crime not just against women but against humanity.

“Rape, or any form of sexual abuse is not a joke, or something to be trivialized in a joke, especially by a public official and most especially by those aspiring for the highest post in the land.”

Hinihiling naman ng Gabriela at ni Libang na mag-public apology ang Davao mayor.

“Mayor Rodrigo Duterte should immediately apologize for his statements making fun of rape.”

"At sana ay tigilan na niya ang pag gamit sa kababaihan bilang katatawanan.

"We also challenge him to use his campaign to promote issues that will elevate the condition of women and their families,” dagdag niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Presidential candidates Sen. Grace Poe, VP Jejomar Binay and Liberal Party standard bearer Mar Roxas join the women's rights group Gabriela in damning Davao City Mayor Rodrigo Duterte's offensive rape victim joke, which is now going viral on social med
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results