Annabelle Rama is now a Regal baby!


"Alam mo, hindi ko talaga ine-expect ito. Kasi lahat naman ng offer sa akin noon, lagi kong sinasabi na ayoko dahil hindi ako marunong umarte, di ba?" says Annabelle Rama.


Maging si Annabelle Rama ay halos hindi makapaniwala na magbabalik-pelikula siya matapos ang ilang dekada mula nang huminto siya sa pag-aartista.



Just yesterday afternoon, June 19, sa contract signing ng mag-inang Annabelle at Ruffa Gutierrez para sa mga pelikulang gagawin nila sa Regal Entertainment—dalawang movies kay Annabelle at tatlo kay Ruffa—ay panay ang tawa ng misis ni Eddie Gutierrez dahil hindi na niya maalala kung anong taon ipinalabas ang dalawang pelikulang nagawa niya in her entire career as a movie star.



Adam and Eve ang title ng film debut ni Annabelle kung saan katambal niya raw ang dating aktor na si Roldan Rodrigo. Kagagaling niya lang daw sa Cebu noong mga panahong ‘yon at Bisaya lang ang alam niya kaya hindi siya binigyan ng dayalog sa nasabing pelikula.



Dahil role ni Eba ang ginampanan niya, natural na wala siyang saplot. Ang mahabang buhok niya lang daw ang tumatakip sa kanyang boobs at mga dahon-dahon lang ang suot niyang pang-ibaba.

Ibinigay Mo Sa Akin Ang Langit with Christopher de Leon and Hilda Koronel ang second and final movie na nagawa niya noong araw. One of the girls lang daw siya ni Boyet in the said movie, na ginawa niya noong may anak na siya kay Eddie Gutierrez—ang panganay and only girl nilang si Ruffa. Konti lang din daw ang dayalog niya sa movie na ‘yon.



According to her manager at that time na si Manay Ethel Ramos, isa si Annabelle sa pinaka-sexy at pinaka-flawless na sexy star noong kapanahunan niya.

"Talaga namang maipagmamalaki ko ang sarili ko noong araw na walang tatalbog sa katawan ko," proud na bulalas ni Annabelle sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Hindi pa uso noong araw ang mga Dr. Calayan, hindi pa uso ang mga paretoke ng boobs, lahat real! At saka sabi ng lahat ng press na kaibigan ko noong araw, ako raw talaga ang number one noon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado siyang ang pinapantasya niyang aktor na si Eddie Gutierrez ang dahilan kaya siya nag-showbiz. Pangarap niya raw itong makasama sa pelikula at hanggang ngayon ay pangarap niya pa rin ‘yon.

"Sana nga magkaroon kami ng movie together ni Eddie o kahit commercial man lang. ‘Yon talaga ang dream ko, sana matupad," nakangiting sabi ni Annabelle tungkol sa kanyang mister.

Hindi raw akalain ni Annabelle na after more than 30 years ay mag-aartista siya ulit at co-star niya pa ang anak niyang si Ruffa.

"Alam mo, hindi ko talaga ine-expect ito," sabi niya. "Kasi lahat naman ng offer sa akin noon, lagi kong sinasabi na ayoko dahil hindi ako marunong umarte, di ba?

"Hindi ko alam. Siguro, galing sa Itaas ang suwerte na ito kaya tinanggap ko na rin. Kasi minsan lang dumating sa buhay mo ang suwerte, di ba? Minsan lang kakatok sa ‘yo. Baka ito na ang pagkakataon na hiningi ko sa Itaas na bigyan Niya ako ng source of income na makakatulong sa akin at sa pamilya ko," sambit niya.



Bakit, kailangan niya pa ba talaga ng additional source of income?

Katuwiran ni Annabelle, may ipinagagawa silang bahay ngayon sa Dasmariñas Village sa Makati. Iyon daw ang tunay na dahilan kaya siya tumanggap ng TV commercials at pelikula.

Ang anak niya raw na si Richard Gutierrez ang bumili ng isang lumang bahay sa Dasma para lipatan ng kanilang buong pamilya. Gastos daw ni Annabelle ang pagpapa-remodel nito. Pag lumipat sila roon ay ibebenta nila ang bahay na tinitirhan nila ngayon sa White Plains, Quezon City.



Seven to eight bedrooms ang bahay na nabili ni Richard na 880 square meters ang laki. Tiyak din na multi-million-peso ang halaga dahil nasa isang posh village ito sa Makati. Pero tumanggi si Tita Annabelle na i-reveal ang exact figures.

Share daw sila ni hubby Eddie sa pagpapaayos nito. Gusto na raw kasi ng mga bata na lumipat sila sa bigger house dahil nagsilaki na silang lahat ay nandun pa rin sila sa bahay nila sa White Plains.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang mag-inang Annabelle at Ruffa ang bida sa comedy flick na sinulat at ididirek ni Joey Reyes for Regal. Mama Dong ang tentative title nito nang magpirmahan sila ng kontrata kahapon sa Imperial Palace Suites. Bago kami umalis ng Imperial ay napalitan na agad ang title nito ng My Monster Mom (parang Monster-in-Law nina Jennifer Lopez at Jane Fonda).

Sa Desperadas na ididirek ni Joel Lamangan ay voice-over lang daw si Annabelle (a la Mary Alice Young sa Desperate Housewives). Nanay siya rito ng apat na magkakapatid na magkakaiba ang ama. Si Ruffa pa lang ang sure sa cast ng Desperadas at naghahanap pa ng makakasama niya si Mother Lily Monteverde.



"Ano ba ‘yan, Dong, bakit Monster Mom? Hindi naman ako mukhang monster, ah?!" tili ni Annabelle, sabay tawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN