Aiza Seguerra wears a rose-of-life tattoo—and lives accordingly


Pop singer Aiza Seguerra, who boasts several tattoos on her body, compares the art to "trial by fire".


Kapansin-pansin ang napakaraming tattoo sa katawan ng dating child superstar na si Aiza Seguerra. Batang paslit pa lang daw siya ay talagang fascinated na siya kapag nakakakita siya ng tattoos sa larawan man o sa tunay na buhay.



"Noon pa lang, ina-appreciate ko na siya at never na naging negative ang naging dating nito sa akin. Hindi gaya ng marami sa atin na ang iniisip, basta may tattoo, galing ng Munti [prison] o siga o hindi maganda ang ugali," sabi ni Aiza sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa June 19 press con ng bagong soap opera ng ABS-CBN, Ysabella. .



Dagdag pa ni Aiza, kahit noong bata pa siya ay hindi niya itinago sa kanyang mga magulang na sina Mommy Caring at Daddy Dick ang pagnanais niyang maglagay ng tattoo sa kanyang katawan once she reaches the age of 18. At iyon nga ang ginawa ni Aiza.



"Noong una, nagagalit si Mommy. Ayaw na ayaw niya, e. Pero nung mag-eighteen na ako at sinabi ko na uli sa kanya, ang sabi niya lang sa akin, ‘Naku, bahala ka sa buhay mo!'" natatawang kuwento ni Aiza.

Ano ba ang nakukuha niya sa paglalagay ng maraming tattoo sa katawan?



"Mahirap i-explain, a different kind of high na nakukuha ko," sagot ng actress-singer. "Iyong ibang klase ang exhilaration na nadadama mo. Masakit nga siya, pero para sa akin, it's a form of art. Masakit siya pag nilalagay na. Pero para sa akin, para siyang trial by fire. Iyon ‘yon, e. Wala rin naming kuwenta kung hindi masakit. Iyon ang essence niya."



Ang una raw niyang ipinalagay na tattoo ay ang pangalan niya sa kanyang kanang braso. Sinundan ito ng parang araw na tribal design sa ibabang bahagi ng kanyang kanang braso. Nagpalagay rin daw siya sa batok niya ng bandila ng Pilipinas. Ang pinaka-recent, last four or five months ago, ay ang babae sa ibabaw ng rosas, na sa Amerika pa niya ipinagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Mahal siya, e. Puwede ko ba sabihin? Mga six hundred dollars. Nakita ko sa comic book ‘yong drawing nung babae, representing death ‘yong character niya and life naman ‘yong rose. Pina-tattoo ko siya kay Jason Tyler Grace in San Francisco, nung meron akong gig doon.

"Ang hirap nga, kasi magpapa-schedule ka muna talaga. Kumbaga, may sessions. Kasi ipapakita muna sa iyo ‘yong ita-tattoo niya sa katawan mo para kung may changes, maayos muna bago ito gawin. Iba ang araw ng consultation. Ibang araw rin pag ta-tattoo-an ka na. They don't do hands. Kaya nung nalagyan naman ako, I had to take a lot of tranquilizer dahil show ko na kinagabihan. Magang-maga ang braso ko!" kuwento ni Aiza.



Hindi ba natatakot si Aiza dahil delikado rin ang pagpapalagay ng tattoo sa katawan ng isang tao? May takot at nerbiyos pa rin ba siya na baka madisgrasya siya sa sakit?



"Responsibility ito ng tattoo artist mo," sagot niya. "Kaya ‘yong needle na gagamitin sa iyo, kailangan buksan lang sa harap mo. Kasi sealed ‘yon. After gamitin, itinatapon na."



Extreme nga yatang maituturing ang mga gustong gawin ni Aiza sa buhay niya. Noong una, nagpakalbo siya. Ngayon naman ay nagpapa-tattoo—hindi lang sa braso at batok kundi pati na sa ankle at sa likod niya.

Ano pa ang balak niyang gawin na kakaiba?



"Gusto ko pang matutong mag-motor, e," sagot niya. "Kaya lang, ayaw talaga nina Mommy at Daddy. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko, e. Iyon nga lang, dahil maliit ako, baka di ko maabot ang floor.

"Sa sports, meron din akong gustong gawing mga extreme. Pero huwag lang bungee jumping. Feeling ko kasi, parang ang sakit sa leeg!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN