Aljur Abrenica apologizes to "Lola Basyang" bosses


In a chance meeting, Aljur Abrenica and his father made peace with the production staff of Mga Kuwento ni Lola Basyang.


Last Sunday, June 17, isa sa mga production staff ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang ang nagpabinyag ng anak at imbitado ang mga staff—including the executive producer na si Otep Buncalan and the director na si Argel Joseph. Ginawa ang handaan sa Tramway, a Chinese restaurant along Timog Ave. malapit sa GMA-7. Nagkataon naman na nandoon ang StarStruck 4 winner na si Aljur Abrenica at ang ama nito.

Matatandaang nagkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan nina Aljur at Otep Buncalan nang mag-guest sa isang epsiode ng Lola Basyang ang young actor. Nagdamdam kasi si Aljur dahil sa trato sa kanya ng production staff kaya nagsumbong siya sa direktor ng StarStruck at tatay-tatayan niyang si Rommel Gacho.

Ayon sa sumbong ni Aljur, sinigaw-sigawan daw siya ng assistant director na si Rado Peru at tinawag pang bakla. Depensa naman ng Lola Basyang staff ay parte lamang daw iyon ng trabaho at hindi dapat personalin ng young actor. Hindi rin daw nila tinawag na bakla si Aljur. Sumasagot-sagot din daw kasi si Aljur at hindi sinusunod ang blocking.



Si Aljur ang lumapit kay Otep para magbigay ng apology. Niyakap niya si Otep, sabay apology.

Tinanggap naman ito ni exec producer Otep, with professional advice na huwag na niyang uulitin ang mga nangyari sa set ng Lola Basyang. Nagmano naman si Aljur kay Direk Argel. Hindi kasi naibalita na during his taping for the show, nag-init din ang ulo ni Direk Argel dahil sa dami ng retakes ni Aljur bawat scene.

Kahit kailan, never uminit ang ulo ni Direk Argel or nakapagsalita sa artista niyang hina-handle. The director is known in the business to be one, among other direks, with the coolest temperament.

Lumapit din ang ama ni Aljur sa table ng production staff at nagkaayos na rin sila.

Nangako si Otep na kukunin niya ulit si Aljur, hindi lang sa Mga Kuwento Ni Lola Basyang kundi pati na rin sa Magpakailanman na siya rin ang executive producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN