Michael V. will be the voice of canine Fulgoso in "Marimar"


Michael V. once spoofed the Marimar character, Corazon, in Bubble Gang. Now that the said Mexican telenovela will have a Philippine version, the comedian will also be attached to the project—not as Corazon but as the voice of Fulgoso, the talking dog.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang comedian na si Michael V sa press con ng pelikulang Paraiso: Tatlong Kuwento ng Pag-asa na ginawa sa Cibo, Gateway mall, kahapon ng tanghali, June 20. Kinumpirma nitong hindi siya tumanggap ng talent fee sa nasabing pelikula dahil ito ay gawa ng Gawad Kalinga, na ang objective ay magbigay ng bahay sa mga taong walang tirahan.



"Si Mr. Bobby Barreiro ang kumausap sa akin at involved din si Mr. Tony Tuviera, kaya tinanggap ko. Maganda rin ang story at unang basa ko pa lang, nagustuhan ko na. Ang ganda ng message ng pelikula and it was fun doing it, it was very easy. Sana panoorin ito para malaman kung ano ang Gawad Kalinga at para makatulong sila para unti-unting ma-eliminate ang poverty sa bansa natin," pahayag ni Bitoy.



Kinumusta rin ng PEP kay Michael ang updated version ng pelikulang Ang Tatay Kong Nanay, na according to Mr. Tony Gloria ay gagawin ng Unitel Productions at magiging Mommy Ko Si Daddy na ang title. Hindi napili ang nasabing pelikula for the 2007 Metro Manila Film Festival, pero sabi ni Mr. Gloria, gagawin pa rin niya ito dahil naniniwala siya sa project to be directed by Mark Meily.



"Napag-usapan na namin ni Mr. Gloria ang tungkol doon at nabasa ko na rin ang script, pero hindi pa rin 100 percent sure. Nagdadalawang-isip ako sa idea na remake ang gagawin ko at baka magkaroon ng comparison. May kaba lang ako sa remake. Baka puwedeng gawing original na hindi naman maiiba ang story," kuwento ni Michael V, na ikinukumpara kay Dolphy na siyang gumanap sa Ang Tatay Kong Nanay.



Ano ang feeling niya at tinawag siya ni Direk Mark as "the Dolphy of our generation"?



"Parang burden sa akin ‘yon," sagot ni Michael V. "Huwag n'yo akong lagyan ng title. I'd rather be myself. May pros, pero ang daming cons dahil ang laki ng expectation sa akin ‘yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ipinaabot di ng PEP kay Michael ang request ng marami na siya ang gumanap sa role ni Corazon sa Marimar dahil nagustuhan nila ang pag- i-spoof niya ng nasabing role sa Bubble Gang. Kaya lang, hindi siya puwedeng gumanap na Corazon dahil kung hindi magbabago, boses niya ang gagamitin ni Fulgoso, ang talking dog sa serye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN